top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nasampulan ng GF, nag-away… VG MARC, NAKITA NA ANG TUNAY NA UGALI NI KRIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 25, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 25, 2023




Ayaw na ayaw ni Kris Aquino na pinangungunahan siya ng kanyang karelasyon sa pagse-share sa social media ng updates sa kanyang love life.


Tulad na nga lang ng ginawa ni Batangas Vice-Gov. Marc Leviste kamakailan. Medyo excited at proud kasi si VG Marc na nakakasama niya si Kris sa pagsa-shopping at maging sa pagpapagamot nito sa USA.


Si VG Leviste ang naghahatid ng latest update sa health condition at pinagdaraanang gamutan ni Kris sa Amerika.


Walang-wala sa isip ni VG Marc na hindi pala ito magugustuhan ni Kris Aquino. Kaya nagulat ang lahat nang mag-post si Kristeta na nagkakalabuan na sila ni VG Mark Leviste!


Pero, agad din namang binura ni Kris ang kanyang post.


Well, siguro, ngayon ay alam na ni VG Marc kung gaano kahirap mahalin ang isang Kris Aquino.


Sa kabila ng kanyang pagmamalasakit at ibinigay na panahon upang may makaramay si Kris sa kanyang pinagdaraanang sakit, hindi pa rin pala ganap na panatag ang loob ng TV host sa kanilang relasyon.


Paano na kung bumitaw na rin si VG Marc Leviste?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page