top of page

Nasampal nang malakas ng Superstar… COCO, MARAMING NATUTUNAN KAY NORA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 4, 20255



Photo: Nora at Coco Martin - IG


Malaki pala ang cast ng pelikulang Padre de Familia (PDF) na pinagbidahan ni Nora Aunor kasama sina Coco Martin, Joel Torre, Rosanna Roces, Anita Linda, at Sam Milby.

Ito ay idinirek ni Adolf Alix at ipinalabas noong 2016.


Nang yumao ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor ay muli itong lumutang at napanood sa YouTube (YT).


Matitindi ang mga eksena nina Nora at Coco, Rosanna at Joel Torre. Nakatikim ng matinding sampal si Coco sa eksena nila ng Superstar.


Si Rosanna naman ay napasabak sa eksena nila ni Aunor na may sampalan at sabunutan. 


Grabe rin ang acting nina Joel at Anita.


Nagmarka sa mga moviegoers ang pelikulang PDF, kaya naman malaki ang respeto at paghanga ni Coco sa nag-iisang Superstar.


Marami siyang natutunan na techniques sa pag-arte. Ngayon, mas nabibigyang-buhay na ni Coco ang bawat role na kanyang ginagampanan.


Ang pagiging professional sa trabaho ang isa sa mga katangian na hinahangaan kay Nora Aunor, bukod sa dedikasyon niya sa pagiging artista, at ‘yun ang legacy na naiwan niya sa showbiz.



Hanggang ngayon ay marami ang nagtataka kung bakit bigla na lang nawala si Atasha Muhlach sa programang Eat…Bulaga! (EB!). Swak na swak pa naman siyang co-host sa EB! at mabilis siyang naka-adjust sa mga datihang hosts ng show. Gustung-gusto rin ng mga viewers ang kanyang pagiging jologs at masayahin.


Natural na natural din siyang kumilos at magsalita, kaya nagkaroon kaagad siya ng malalaking endorsements. 


Hinahanap na si Atasha ng mga viewers ng EB!, at marami ang nagtatanong kung babalik pa ba siya sa noontime show.


Well, wala pang formal statement mula sa kampo ni Atasha Muhlach kung ano ang real status ng kanyang career ngayon. Pero, patuloy pa naman na umeere ang sitcom nilang Da Pers Family sa TV5.


Balitang-balita na mas pinili ni Atasha Muhlach ang offer sa kanya na mag-aral sa UK.

Mayroon ding offer para makalabas siya sa isang malaking movie project na ire-release abroad.


Samantala, may naging pahayag naman ang parents ni Atasha na sina Charlene Gonzales at Aga Muhlach na susuportahan nila ang magiging desisyon ni Atasha na may kinalaman sa kanyang career.


Ang mga hosts naman ng EB! ay labis na nanghihinayang kay Atasha Muhlach. Malaki ang potensiyal na sumikat siya nang husto. Future beauty queen din siya.



DAPAT daw pamarisan ng ibang kalalakihan ang ginawa ni Drew Arellano. Tinupad niya ang kanyang pangako sa kanyang misis na si Iya Villania na mag-undergo ng vasectomy upang maiwasan na ang pagdami ng kanilang mga anak.


Sa ngayon ay lima na ang anak nina Iya Villania at Drew Arellano. Hindi na rin madaling alagaan ang 5 bata.


Besides, may career pa rin naman si Iya at segment host siya sa 24 Oras. Hindi naman siya isang plain housewife lamang.


Kaya wise decision ang ginawa ni Drew Arellano na pagpapa-vasectomy, tama na sa kanila ang 5 anak.



MARAMING fans ni Kyline Alcantara ang nag-react/nagpasalamat kay Marian Rivera dahil sa pagdamay nito sa kanilang idolo.


Pinadalhan ni YanYan ng bouquet of flowers si Kyline bilang simbolo ng kanyang pagdamay at pakikisimpatya sa pagiging matatag ng Kapuso actress.


Alam ni YanYan na masakit sa isang babae na iwanan ng kanyang nobyo at ipagpalit sa iba at mas masakit pa kung pinararatangan siya ng pamilya ng kanyang nobyo ng kung anu-ano.


Sinikap ni Kyline na magpakatatag at manatiling kalmado. Pinili niyang manahimik na lamang para sa ikapapanatag ng kanyang loob.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page