top of page
Search
  • BULGAR

Nasa trial pa lang ang mga vaccine, ‘wag magtaka kung may side effect!

ni Ka Ambo - @Bistado | March 8, 2021



Full capacity ang mga resorts.


Normal na po!


◘◘◘


Mayroon nang massive vaccination sa buong bansa.


Sisimple na ang mga ismagler!


◘◘◘


Ang COVID vaccines sa buong mundo ay nasa trial period pa lang pero pinakyaw na.


Kumbaga, hindi pa luto ang ulam, nilantakan na ng mga suki!


◘◘◘


Dahil trial vaccines, malinaw na may side effects.


Kailangan pa bang magdebate?


◘◘◘


‘pag malakas ang vaccines tulad ng Pfizer at Moderna, siyempre, matindi ang side effects.


Kapag mahinang klase, tulad ng Sinovac at AstraZeneca, siyempre mahina ang side effects!


◘◘◘


Ang mahalaga ay may vaccines na upang kahit tamaan ng COVID may depensa kontra sa mga sintomas.


Makakaligtas na kontra severe cases!


◘◘◘


Ayaw pa rin tumigil ni Donald Trump.


Dikit lang kasi ang laban nila ni Joe Biden!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page