top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nasa Tate na raw ngayon… SHARON, INILANTAD ANG ANAK NA LALAKI NA KINDERGARTEN NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 10, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 10, 2022



Iilan lang ang nakakaalam na may 'anak' si Sharon Cuneta mula sa Congo. Ipinakilala na ito ni Megastar sa publiko.


Proud ang singer-aktres na ang 'anak' na nagmula sa Congo ay naninirahan na ngayon sa Amerika.


Hindi na naikuwento ni Shawie ang buong detalye tungkol sa bata, pero ang tawag sa kanya nito ay Mama Sharon.


Base sa post ng Megastar ay nasa Kindergarten na ang batang lalaking tinawag niyang "Gabriel."


Ani ng beteranang singer, "This is my “son” Gabriel. He and his family escaped from Congo and found their way to Rwanda, after which they miraculously made their way to the United States.


They are now settled in Michigan and Gabriel is in Kindergarten! I am so proud of him.


Gabriel, remember what I wrote you. Love you, my sweet boy. Mama Sharon."


Sa isa pang ibinahagi niyang video ay makikita si Gabriel na nagbibigay ng mensahe sa kanyang Mama Sharon.


Marami naman ang nagsabing cute ang ‘son’ ni Sharon. Hindi lang malinaw sa lahat kung ano ang kuwento kung paano ito naging ‘anak’ ng Megastar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page