Nasa GF na raw ang lahat… SIGAW NI ELIJAH: MILES, HULING BABAE NA SA BUHAY KO!
- BULGAR
- Mar 2, 2023
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 2, 2023

Nagsalita na nang tapos si Elijah Canlas na ang girlfriend niyang si Miles Ocampo ang huling babae sa buhay niya dahil nasa aktres na ang lahat ng hinahanap niya.
Base sa panayam namin kay Elijah, ang qualities na gusto niya sa dalaga ay, “Unang-una po, ‘yung pagiging old soul niya, mahilig siyang magsulat ng mga letters, pati mga music na pinapakinggan niya. Nang makilala ko pa siya, I found out that she was the kindest human being.
She’s super passionate about what she does and super humble and at the same time, ang dami nga niyang insecurities and tina-try kong tulungan siya to get over it. Especially now that all the recognitions that she’s getting, mas nagkaka-confidence na siya.”
Hindi naman ikinaila ng premyadong aktor na nagkakatulungan sila sa project ni Miles dahil binabasa nilang pareho ang script ng bawat isa at saka sila nagdidiskusyon kung paano ito gawin o anong atake ang mas nararapat.
Ano ang prayoridad nina Elijah at Miles bilang magkarelasyon?
“Happiness po talaga ang priority namin para sa isa’t isa, kung saan kami masaya. And right now, masaya kami sa isa’t isa, masaya kami sa trabaho namin, so, sakto. Balanced na balanced,” say ng aktor.
May mga gusot din minsan ang dalawa at ang unang natandaan ni Elijah ay sa pelikulang Livescream na idinirek ni Perci M. Intalan na ipinalabas sa Vivamax dahil naka-underwear at nagpakita ng butt ang aktor.
“First project ko po na we were together na may scene ako like that na ganu’n ka-intense.
Siguro, nanibago siya kasi she never had a partner before, especially a partner like me na game na game.
“Nagselos siya (Miles), but nu’ng ginagawa ko na ‘yun (movie)," kuwento ni Elijah.
Pero kinlaro niyang hindi nagselos si Miles kay Kokoy de Santos na partner niya sa Game Boys dahil alam naman ng aktres na parehong lalaki ang dalawa.
“Alam naman niya na we are just playing character, me and Kokoy are the best of friends, wala pong pagseselos. Pero siyempre, nanibago lang siya sa aspect na ‘yun na may partner siya na may artista na matapang, honest, kaya nagulat siya,” nakangiting paglalarawan ng binata sa kanyang kasintahan.
Si Elijah ang unang boyfriend ni Miles.
“Yes, and my first showbiz girlfriend. First and last, yey,” kinilig na sabi ng aktor.
Kinulit namin si Elijah kung sure siyang first and last na niya si Miles at tatandaan namin ang sinabi niyang ito.
“Opo! I think all the good adjectives, pasok sa katawan niya and she has a lot to learn pa and I have a lot to learn from her and she’s open to learn from me din. And pasok din ‘yung mga love languages namin and tina-try talaga naming bigyan ng oras ang isa’t isa. And ako po ‘yung taong I don’t get into relationship if I don’t think it will last or it’s the end game. Ayokong mag-aksaya ng oras. Kung ganu’n din lang po, eh, mag-date-date na lang ako,” katwiran ni Elijah.
Nakausap namin si Elijah nang i-welcome siya ng Cornerstone Entertainment headed by President and CEO Erickson Raymundo and Vice-President Jeff Vadillo sa Privato Hotel, Sct. Castor St., Bgy. Laging Handa, Quezon City nitong Martes nang hapon.
Masayang-masaya si Elijah dahil hindi siya nagdalawang-salita kay Erickson nang magsabi siyang gusto niyang magpa-manage dahil ang dati niyang management company na IdeaFirst nina Direk Perci M. Intalan at Jun Lana ay magpu-full blast na sa paggawa ng pelikula at pagdidirek.
Sabi naman ni Erickson ay paborito si Elijah ni Direk Irene Emma Villamor at ang co-producer niya sa Spring Films na si Piolo Pascual na nagsabi pa sa batang aktor ng, "I’m a fan. Welcome to Cornerstone!"
Samantala, isa pang labis na ikinagagalak ni Elijah ay may pelikula sila ni Romnick Sarmenta na kasama sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na idinirek ni Jun Lana, ang About Us But Not About Us na mapapanood simula sa Abril 11-18, 2023.




Comments