top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Nasa bingit na ang tikas ni Lebron, 'di pa susuko

Writer: BULGAR
BULGAR
May 22, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 22, 2023



Laro ngayong Lunes – Kaseya Center

8:30 a.m. Boston vs. Miami


Isang tagumpay na lang ang kailangan ng bisitang Denver Nuggets upang makapasok sa NBA Finals sa unang pagkakataon at inipit ang Los Angeles Lakers, 119-108, sa NBA Playoffs Western Conference Finals kahapon sa Crypto.com Arena. Nagawa ng Nuggets na itapal ang unang talo ng Lakers sa kanilang tahanan ngayong playoffs at umakyat ng 3-0 sa seryeng best-of-seven.


Saglit nabuhayan ang Lakers at uminit si Rui Hachimura sa simula ng fourth quarter at itulak sila sa 87-86 lamang. Ibinura ito agad ng three-point play ni Nikola Jokic at mula roon ay puro Nuggets na ang kwento. Lumobo sa 14 ang agwat papasok sa huling minuto, 117-103, sa three-points ni Michael Porter Jr. Nararapat lang na tuldukan ni Jamal Murray ang panalo sa kanyang dalawang free throw para sa komportableng 119-106 iskor at magsara ang kanyang produksiyon sa 37 puntos.


Nabigong maka-triple double si Jokic subalit malupit pa rin ang kanyang 24 puntos.


Maaaring wakasan na ang serye sa Game Four ngayong Martes sa parehong palaruan.


Nanguna sa Lakers si Anthony Davis na may 28 puntos at 18 rebound. Nag-ambag ng tig-23 puntos sina LeBron James at Austin Reaves dapat walisin na ng Lakers ang susunod na apat na laro, isang bagay na hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng NBA.


Tatangkain ng Miami Heat na gayahin ang Nuggets at lumamang din ng 3-0 sa bisitang Boston Celtics simula 8:30 ng umaga sa Kaseya Center. Pangunahin para sa Celtics na pigilin si Jimmy Butler subalit napatunayan ni kabayan Coach Erik Spoelstra na marami siyang mahuhugot na sandata gaya nina Bam Adebayo, Kyle Lowry at Gabe Vincent.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page