top of page
BULGARY - SHUVEE, UMUPO NA SA PRIORITY LANE SA TREN, PATI SHOPPING BAGS, PINAUPO RIN-IG _s

Napurnada sa kadaldalan ng madir… MARC, GLASS HOUSE SA BAGUIO ANG SURPRISE KAY DANICA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 3, 2026



TALKIES - MARC, GLASS HOUSE SA BAGUIO ANG SURPRISE KAY DANICA-IG _jeanmarc15

Photo: IG _jeanmarc15



Pinagplanuhan ng basketball player na si Marc Pingris ang bonggang surprise para sa kanyang misis na si Danica Sotto na isang glass house sa Baguio. 


Ani Marc, “Sa Baguio, bumili ako ng lupa sa Pinewoods. Talagang kumbaga, dream house ko. Tapos sabi ko sa kanya (Mama), isu-surprise ko kay Danica.”


Tinanong naman siya ng multi-awarded actress na si Dina Bonnevie kung agad bang nalaman ng misis ang tungkol sa lupa.


Ayon kay Marc, hindi niya sana ito sasabihin kay Danica, ngunit hindi sinasadyang nabunyag ang kanyang plano nang magpunta sila sa Baguio kasama ang kanyang ina at mga anak.


“Nabili ko na, tapos paakyat kami ng Baguio nina Mama kasama ‘yung mga bata. Itong si Mama ko naman, ‘di mo alam, matanda na, madaldal din s’ya. S’ya ‘yung nakapagsabi na, ‘Pupuntahan ba natin ‘yung lupa n’yo sa Baguio?’ Ganu’n. So, tumitig ako…” kuwento niya.


Dahil dito, nalaman ni Danica ang tungkol sa lupa. Inamin din ni Marc na ang plano niya sana ay ipagawa roon ang isang glass house.

Napanganga naman si Dina sa ideya.


“Wow, grabe! Eh ‘di kitang-kita lahat ng ginagawa ninyo. Glass house! Kitang-kita na nagluluto ka, kitang-kita na naliligo ka!” sey ni Dina.


Tinanong din nito si Danica tungkol sa naging reaksiyon niya nang malaman ang plano ni Marc.


Ayon kay Danica, hindi naman siya nagalit, ngunit medyo naasiwa lamang siya sa ganoon kalaking surprise.


Ipinaliwanag naman ni Marc na nagustuhan ni Danica ang lokasyon nang puntahan nila ang lugar. Ikinuwento rin niya ang orihinal niyang plano para gawing sorpresa ang bahay.


“Sinabi ko sa kanya na surprise ko sana ‘to. Balang-araw, ‘pag natayo na ‘yung bahay, kunwari may ire-rent tayong bahay, tapos ‘yun na pala ‘yun. Pero alam naman ng mga bata,” ani Marc.


Dahil dito, pabirong komento ni Dina kay Danica, “Sana umakting ka na lang na, ‘Ah, Marc, may glass house!’”


Ngunit ipinaliwanag ng anak kung bakit hindi siya komportable sa ganoong kalaking sorpresa.


“‘Di, wala. Parang, alam mo, okay siguro mag-surprise sa ibang bagay. Pero ‘yung ganu’n, parang nakakatakot. Parang it’s too big, eh. ‘Yung dapat na alam mo rin kung, kunwari, may emergency, ‘di n’ya mapuntahan ‘yun, ‘yung site kung saan ipinapagawa. Oh! Dapat alam mo rin,” saad ni Danica.


Samantala, pabirong sagot naman ni Dina, “Ang corny mo naman! Ako, I love big surprises. Make it big. I want big surprises!”


Well, sana all may asawang Marc Pingris na handang magpagawa ng bonggang-bonggang dream house bilang surprise, ‘di ba?





Todo-thank you na kasama na uli ang padir ng anak… KATRINA, SUPER SWEET ANG B-DAY MESSAGE KAY KRIS


MAY pa-sweet message ang aktres na si Katrina Halili para sa ama ng kanyang anak na si Kris Lawrence sa kaarawan nito.


Sa kanyang mensahe, hiniling nito ang patuloy na mga pagpapala, mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa buhay.


Aniya, “Happy Birthday, Mr. B (Kris)! Wishing you more blessings, good health, happiness, and success in everything you do. Thank you for always being there and for bringing so much joy and laughter into our lives.


“I hope this new chapter brings you everything your heart deserves. Keep shining, keep making beautiful music, and most importantly, keep being you.


“Enjoy your special day, Mr. B! WeWabU (We love you) and (we) appreciate you. Happy Birthday!”


Anyway, happy birthday, Mr. B!





CARMELLE, PAMBATO NG ‘PINAS SA EUROVISION



ANG women empowerment anthem na Sobra-Sobra, na isinulat nina Nica del Rosario at Mat Olavides at inawit ni Carmelle Collado, ang nagwagi sa Eurovision Song Contest Asia 2026: Philippine Selection Night na ginanap noong Agosto 30 sa New Frontier Theatre.


Si Carmelle, na naging Tawag ng Tanghalan: The School Showdown (TNTTSS) champion ang magiging kinatawan ng bansa sa kauna-unahang Eurovision Asia na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre 14.


Nagpamalas din ng natatanging performance ang pinangalanang 2nd placer na si SAGA, na inawit ang Broken Beyond Repair, entry ni Angelo Gonzales. 


Nasungkit naman nina JM Dela Cerna at Marielle Montellano, o JMielle, ang 3rd place award sa kantang Mapadama na mula sa komposisyon nina Jeremy G at Jungee Marcelo.


Congratulations to all!

‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page