top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Napilitan para sa endorsement… ANGEL, LUMANTAD NA PERO TODO-TAGO SA TIYAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | December 28, 2022



Finally, lumantad na si Angel Locsin sa social media. Sunud-sunod na posts ang makikita sa Facebook ni Angel, may picture pero karamihan ay video.


Kuha ang picture at mga videos na naka-post sa FB page ni Angel less than a week before Christmas.


Sa unang video post niya ay makikita si Angel at mister niyang si Neil Arce with their guest na gumagawa ng DIY (do-it-yourself) Christmas decor.


Sumunod na video ay advertisement para sa ini-endorse ni Angel na pharmaceutical company.


Pero balita namin, in-upload na ng pharmaceutical company ang ad ni Angel noon pang December 5.


At ang pangatlong video ay tungkol sa pagluluto ng spaghetti at shanghai ni Angel at ng sister niyang si Ella. Habang ang FB post na picture ni Angel ay ang kuha nila ni Neil na nakatayo sa tabi ng Christmas tree.


Ayon kay Neil, may history ang lumang Christmas tree nila.


“Luma na ‘to. Twelve years old na siya, pati ‘yung ornaments,” sabi ni Angel.


Dugtong ni Neil, “Sinamahan ko siya (Angel) na bumili ng Christmas tree nu’ng friends pa kami.


Na-decide namin na ito pa rin ang gamitin namin sa haus namin for our first Christmas.”


Duda ng mga netizens, napilitan na lang lumitaw muli sa socmed si Angel dahil sa commitment niya para sa ine-endorse niyang pharmaceutical company. Kaya nagdagdag na rin daw si Angel ng iba pang post sa kanyang Facebook page.


Sa ngayon ay sa Facebook pa lang ulit “nagparamdam” si Angel. Kapag sinilip kasi ang kanyang Instagram, ang last post ni Angel ay pictures sa naganap na baby shower para kay Angelica Panganiban.


May nang-iintriga rin na netizen na mukhang buntis na si Angel. Bukod sa malusog na katawan at mukha niya na super-ganda pa rin, tila nais nitong takpan ang kanyang tiyan at pawang black t-shirts ang kanyang suot.


Well, wala namang masama kung buntis na nga si Angel. If true, baka bumubuwelo lang siya at si Neil para ipaalam ang tunay na kalagayan ng aktres.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page