Napili ni Direk Darryl… ISKO, GAGANAP NA NINOY SA MARTYR OR MURDERER
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 20, 2022

Balik-showbiz si former Manila Mayor Isko Moreno pagkatapos ng ilang taon ng kanyang career in public service.
At hindi lang siya basta babalik sa paggawa ng pelikula, kundi siya mismo ang nasa title ng movie.
Ang manager ni Isko na si Daddy Wowie Roxas ang nag-post sa kanyang Facebook page ng piktyur ni Isko habang hawak ang script ng movie na isinulat ng controversial director na si Darryl Yap titled Martyr or Murderer.
Nakasulat din sa white bond paper sa first page ng script kung ano ang role ni Isko sa Martyr or Murderer.
Sa dinami-dami ng nabalitang bibida sa sinasabing “second part” ng hit movie ni Direk Darryl na Maid in Malacañang, finally ay kay Isko napunta ang lead role sa MOM bilang si Ninoy Aquino.
Ilan sa mga nabalita na gaganap bilang si Ninoy sa Martyr or Murderer ay sina Phillip Salvador at Cesar Montano.
Wow, ha? After ng bio film ni Isko na Yorme, another famous political figure ang gagampanan niya sa pelikula.
Sa comment section ng FB post ni Daddy Wowie ay makikita na nag-post ng pasasalamat si Direk Darryl sa manager ni Isko.
Comment ni Direk Darryl, “Thanks Daddy!”
May nag-reply na netizen sa mensahe ni Direk Darryl, “Darryl Yap, Direk, 'wag mo sisirain si Ninoy, huh?”
Nalokah siguro si Direk Darryl sa comment ng netizen at ni-reply-an niya ito ng, “Ay!”
Alam na!





Comments