Napikon sa game sa show… JANNO, IPINAHIYA SI KITKAT, SHOW NILAYASAN PA
- BULGAR

- Feb 22, 2021
- 2 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | February 22, 2021

Binisita namin ang Instagram account ni Janno Gibbs to check kung may comment siya sa nabalitang nagkaroon sila ng conflict ni Kitkat sa taping ng Happy Time, ang noontime show ng Net25 na kanilang hino-host kasama si Anjo Yllana.
Walang comment si Janno at ang ipinost sa kanyang IG Stories ay ang poster ng FPJ movie na Kapag Puno Na Ang Salop at quotation na: “The worst people are those who judge the fault of others, but blind to their own.”
Sagot na kaya ito ni Janno sa isyu sa kanila ni Kitkat?
Sa IG naman ni Kitkat, may ipinost siyang: “People will hurt you and they act like you hurt them.” at “R.E.S.P.E.C.T, Respect for ourselves guides our morals; respect for others guided our manners,” at “Respect is a lot more important, and a lot greater, than popularity.”
Sagot din kaya ito ni Kitkat sa isyu nila ni Janno? May nagtanong kasi sa kanya kung si Janno ang tinutukoy, pero hindi siya sumagot.
Nangyari raw ang lahat sa taping ng Happy Time last Thursday (February 18) nang mapikon si Janno sa game nila ng team ni Marco Sison. Inakusahan niya si Kitkat na kampi kay Marco at sa inis o galit, hindi na tinapos ang rehearsal, umalis ito at hindi na bumalik sa actual taping.
Si Kitkat na raw ang solo na nag-host ng segment. Ipinahiya raw ni Janno si Kitkat sa guest at mga contestants sa mga sinabi niya sa co-host kaya muntik nang maiyak ang komedyana.
Sana naman, maayos ang gulo nina Janno at Kitkat dahil kabaligtaran ito sa title ng kanilang show. Saka, sana, hindi maging daan ‘yun para mapalitan silang mga hosts o ang worst part, baka alisin ang show.





Walang kwenta naman ang game nila kaya ang buong show ay pangit.