top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nape-pressure na sa mga fans… BEA, MINAMADALI NANG MAG-ASAWA AT MAGKAANAK

BULGAR
Jun 3, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 3, 2022



Medyo nape-pressure na si Bea Alonzo sa ilang netizens na panay ang tanong at nangungulit sa kanya kung kailan sila magpapakasal ni Dominic Roque at kung kailan siya magbubuntis.


It seems inip na inip na ang mga fans at supporters ni Bea na makitang lumagay siya sa tahimik at maging mommy na rin tulad ng mga nakasabayan niyang artista.


Pero, hindi nga ganu'n kadali para kay Bea Alonzo ang magdesisyon na magpakasal na sa BF niyang si Dominic. Marami pa siyang gustong gawin at ayusin sa buhay niya. Hindi pa niya nakukumpleto ang lahat ng nasa kanyang bucket list. Inaayos pa niya ang maraming aspeto sa kanyang buhay. Ang pagkakaroon ng bahay sa Madrid, Spain ay isa pa lang sa mga natupad sa kanyang bucket list.


Sabi nga ni Bea Alonzo, may kani-kanyang timeline naman ang mga babae at hindi basta-basta sasabak na lang sa pag-aasawa kung hindi pa nila feel na magpakasal at magkaroon ng anak. Darating at darating din 'yun sa tamang panahon. At walang dahilan para magmadali.


Nag-e-enjoy pa si Bea sa buhay-dalaga. Hindi siya nag-aalala at nagpa-panic kahit nasa thirties na siya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page