top of page

Napatawad na raw, na-bash pa rin… TINA, MATINDI ANG DINANAS SA MADIR NA SI DAISY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 minutes ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 7, 2025



Photo: Tina Paner at Daisy Romualdez - TicTalk with Aster


Naglabas ng official statement ang talent management ni Tina Paner sa social media. Naka-post ang official statement ng kampo ni Tina, ang Cube Media at MCB Artist Management, sa kanyang Instagram (IG) account kahapon.


Ayon sa official statement, kinokondena nila ang anumang online harassment, false accusations, and defamatory statements being circulated against Tina.


“Our agency upholds integrity and professionalism, and we will not tolerate any baseless narratives that aim to damage Ms. Paner’s reputation, character, or the dignity of her family,” lahad ng kampo ni Tina.


Pinaalalahanan ng kampo ni Tina na ang cyberbullying, online defamation, and malicious allegations ay punishable by law. Nakahanda raw ang kanilang legal team na gumawa ng hakbang laban sa mga indibidwal o grupong responsable sa ganitong mga aksiyon.


“We will hold those accountable to the fullest extent of the law. Our priority remains to protect the well-being, privacy, and good name of Ms. Kristina Paner,” pagtatapos ng statement ng talent management ni Tina.


May kinalaman sa pag-isyu ng official statement ng kampo ni Tina ang recent interview sa adoptive mom niya na si Daisy Romualdez ng veteran showbiz talk show personality na si Aster Amoyo sa kanyang YouTube (YT) channel, ang TicTalk.


Naghayag kasi ng kanyang tampo si Daisy kay Tina sa ‘di niya pag-aalala sa kanyang adoptive mom.


Hindi naman pinalampas ni Tina ang comment ng ilang netizens, especially noong sabihan siya na patawarin na raw niya si Daisy. 


Sagot ni Tina, “It’s so easy to say forgive, I’ve forgiven her that’s why I didn’t talk… but you don’t know the whole story.”


Hirit pa ng netizen, “Forgiveness has no condition.” 

Hindi rin ito pinalampas ni Tina kaya nag-post din siya ng reply.


Sabi ni Tina, “Ang dali n’yo lang sabihin na forgiveness has no condition, I know that, wala kayo sa position ko kaya ‘di n’yo po alam ang pinagdaanan ko.”


Pati ang anak ni Tina na si Shane ay pinatulan na rin ang mga netizens na namba-bash sa kanyang ina. 


Dahil siguro ayaw pa ring tumigil ng ilang netizens sa pamba-bash kay Tina, kaya sinaklolohan din siya ng kanyang talent management.



MATAPOS ang mahigit 100 araw ng mga espesyal na alaala, gawain at tagumpay sa loob ng Bahay ni Kuya, at mula sa 50 duos na nabuo sa buong season, apat na Final Duos na lang ang nananatiling nakatayo, handang humarap sa labas ng mundo. 


Ang kanilang mga kuwento ng tiyaga at ‘pagpapakatotoo’ ay ipinagdiwang sa isang star-studded na Pinoy Big Brother (PBB) Collab Big Night.


Pagkatapos, isang magic act ang dumaan sa entablado upang ipakilala si Donny Pangilinan, ang opisyal na Messenger ng season, na nagdala ng sobre na naglalaman ng mga huling resulta ng pampublikong boto. 


Binigyan ang mga manonood ng isang linggo para bumoto online, na pinili kung aling duo ang pinaniniwalaan nilang karapat-dapat sa titulong Big Winner (BBS) at kung aling pares ang gusto nilang paalisin sa karera (BBE).


Pagkatapos ay dumating ang sandaling hinihintay ng lahat—ang pagbubunyag ng mga huling resulta. Ang unang duo na bumalik sa labas ng mundo ay ang AZ at River's AzVer bilang 4th Big Placer, na tig-isang tumanggap ng P200,000 cash prize matapos makakuha ng 8.77% ng kabuuang boto.


Ang kasabikan ay tumaas nang mas mataas nang ang CharEs ay inihayag bilang 3rd Big Placer, na nakakuha ng 22.91% ng kabuuang mga boto. Nag-uwi sina Charlie at Esnyr ng P300,000 cash prize.


At sa wakas, idineklara ang RaWi bilang 2nd Big Placer, na nakakuha ng 25.88% ng kabuuang boto at nag-uwi ng P500,000 bawat isa.


Back in the holding area, halos hindi makapaniwala sina Brent at Mika nang mapagtanto nilang sila ang huling duo na nakatayo, na nangangahulugang nakagawa sila ng kasaysayan bilang pinakabagong PBB Big Winners at ang kauna-unahang ‘Big Winner Duo’ ng palabas. 


Nagyakapan ang dalawa sa pagkabigla at kaligayahan nang tawagin ang kanilang mga pangalan, opisyal na inangkin ang grand prize na P1 milyon bawat isa matapos makakuha ng impresibong 33.03% ng kabuuang pinagsamang boto.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page