top of page

Spotted sa Clark Airport… DANIEL AT KAILA, MAG-A-ADVANCE V-DATE RAW SA PALAWAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 20, 2026



BIDA - DANIEL AT KAILA, MAG-A-ADVANCE V-DATE RAW SA PALAWAN_@sethcohen-Reddit

Photo: @sethcohen-Reddit



Masaya na naman ang mga fans nina Daniel Padilla at Kaila Estrada dahil spotted ang dalawa sa Clark Airport at, sa comment section, ang sabi, magbabakasyon sila sa Palawan. Nagpasalamat ang mga fans sa mga netizens na nakakuha ng photos ng KaiNiel at nag-upload kaya nagkaroon sila ng bagong ayuda.


Wala raw maaasahan kina Daniel at Kaila dahil kahit madalas silang magkasama, hindi nagpo-post ng photos ng mga ganap nila. Nalalaman na lang ng mga fans kapag tapos na o gaya nito, kapag nakaalis na.


Ang biruan ng mga fans, magse-celebrate ng advance Valentine’s Day ang dalawa. It’s their first as a couple kaya special at tiyak na masusundan pa. 


Hindi raw papayag ang KaiNiel na hindi mag-celebrate sa mismong February 14. Hinihintay na ng mga fans ang Valentine’s Day para makita kung paano sila magse-celebrate at kung ano ang gift ni Daniel sa girlfriend.


Nabalita pa lang may gagawing series sina Daniel Padilla at Kaila Estrada, wala pa nga lang detalye. Gusto lang iparating ng mga fans sa dalawa na susuportahan nila ang mga pagsasamahan nilang projects, kaya gawin na nila.



Palitan lang ang labanan…

JAMES, KAY KATHRYN, NADINE, KAY ALDEN



NAGBABARDAGULAN ang mga fans nina Nadine Lustre at James Reid dahil sa new projects ng ex-couple. 


May Someone, Someday (SS) si James kasama si Kathryn Bernardo at may Loving, Siargao (LS) naman si Nadine together with Alden Richards. 


Ayun, ang ilang fans ng dalawa, sa halip na matuwa dahil may aabangan silang bagong project ng kanilang mga paborito, nag-aaway-away pa.


Sabi kasi ng mga fans ni James, kaya lang tinanggap ni Nadine ang series with Alden dahil ginagawa ni James ang series nila ni Kathryn. Parang gustong palabasin na kaya lang nakumbinse si Nadine na tanggapin ang series nila ni Alden ay dahil may series sina James at Kathryn.


Nagpapatutsadahan online ang kampo ng mga fans nina Nadine at James at binabalikan nila ang naging relasyon ng dalawa at pinagtatalunan kung sino sa kanila ang mas nakinabang nang magkarelasyon. Pati kung sino ang financially stable sa mag-ex, isyu rin sa mga fans. Parang lumalabas na sila ang mas hindi pa nakapag-move on sa breakup nina Nadine at James.


Heto pa, hindi pa man umeere ang kani-kanyang series nina James at Nadine, inaabangan na kung kaninong series ang mas maganda at mas magre-rate. Kahit naman magkasabay ang airing ng SS at LS, hindi pa rin dapat ikumpara.

Sa free TV ang airing ng series nina James at Kathryn at sa Viu, isang streaming platform, ang kina Nadine at Alden. 


Ang mas maganda, kani-kanyang suporta na lang para maging successful ang airing ng two series.



Panay post daw ng bible quotes…

CARLA, MAY PATUTSADA TUNGKOL SA MGA TOXIC RELATIVES



HINDI pa ginagamit ni Carla Abellana ang apelyido ng asawang si Dr. Reginald Santos sa kanyang socmed (social media) accounts. Ang mga fans ng aktres ang tumatawag sa kanya na ‘Mrs. Reginald Santos’ at waiting na sila na masama na sa name niya ang ‘Santos’.


Ang napansin ng mga netizens, mas gumanda si Carla, glowing and blooming daw ito at mas lumabas ang kanyang ganda. 


‘Gandang perfect’ nga ang itinawag sa kanya at may nag-comment pa na hindi makatarungan ang ganda niya. 


Ang bongga ng comment na, “Love looks good on you,” at “God bless your marriage.”

Samantala, pinag-isip ni Carla ang mga nakabasa sa ini-repost niya sa Facebook na quotation card na: “Toxic Filipino relatives don’t go to therapy. They post quotes and Bible verses on Facebook.”


Para kanino raw ba ang kanyang ini-repost na may mga naka-relate?

Still on Carla, sa interview sa kanya ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) last Sunday, nabanggit na kaya civil ang wedding nila ni Dr. Reginald ay dahil hindi siya puwedeng ikasal sa simbahan. Hindi pa yata annulled ang kasal nila ni Tom Rodriguez, pero divorced na sila sa Amerika.


Na-experience naman daw niya ang church wedding, kaya okay sa kanya ang civil wedding.


Nabanggit pa nito na ita-try uli niya ang magpa-freeze ng kanyang eggs dahil hindi naging successful ang first try niya. 


“Try uli akong magpa-harvest ng egg para ‘pag gusto na naming magka-baby. I’m not getting any younger,” sabi ni Carla Abellana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page