top of page

First daw niya sa lahat… CLAUDINE KAY MARK: I LOVE YOU, EX!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 54 minutes ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | January 20, 2026



BULGARY - CLAUDINE KAY MARK_ I LOVE YOU, EX!_FB Claudine Barretto

Photo: I FB Claudine Barretto



May birthday post si Claudine Barretto para sa kaarawan ni Mark Anthony Fernandez. Gumawa rin ng history ang couple na ito noong kanilang era.


Kung hindi kami nagkakamali, pareho pa silang nagpa-tattoo ng same design noong time na in love sila sa isa’t isa.


Yes, unang nagkainlaban sina Mark at Claudine bago pumasok si Rico Yan sa buhay ng huli.


Ang pagbati ni Clau kay Mark, “Belated happy birthday to my first love, my first everything, especially my first heartbreak. I said this before and I say it again. If I were to live my life all over again, I’d still choose you to be my first. I’m so proud of the man you have become. 


“I never thought I’d ever be friends with my ex, but Mark definitely is the exception. A true

gentleman with one of the kindest souls I have ever met. 


“Happy birthday. Thank you for never talking bad about me. In fact, you took all the blame and made sure I was always protected, even from afar. I have no regrets, only great memories. I love you, ex. #markdine #markfernandez.”


Well, nahilom na nga ng panahon ang sugat na natamo ng Optimum Star kay Mark.

Komento ng mga netizens:


“Bakit may pa-‘I love you, ex’?”


“Puwede naman pala ‘yung ganitong greetings sa ex. I love you, ex.”


“Even my ex was telling me that he still loves me.”


“Ganu’n ba ‘yun, pauso ng batian sa ex? Sige, gaya-gaya na rin. Happy birthday, ex. Pero ‘di ko ma-take sabihin ang I love you kasi namanhid na me.”


“Si Mark ‘yung first love at first everything. Si Rico (Yan) ang greatest love ni Clau, which is ‘di man nauna pero sobrang minahal n’ya at ‘di n’ya makakalimutan buong buhay. Si Raymart, isang magandang pagkakamali kasi naging asawa n’ya at nagkaroon sila ng anak. Although minahal, pero ‘di ganu’n kalalim kay Rico. Good thing kasi, nagkaanak sila. Sa love talaga, iba-iba ang category lalo na ‘pag medyo bata ka pa, mapusok. ‘Di mo pa masasabi kung tunay at totoo ‘yung nararamdaman mo.”


“Wow, so sweet Claudine Barretto. Ending, balikan na, baka kayo ng soulmate mo?”

‘Kakilig!



Umani ng samu’t saring komento ang pahayag ni Vice Ganda na nais niyang bilhin ang ABS-CBN at ibalik sa mga tunay nitong may-ari kung magkakaroon siya ng million dollars. 


Sey ng mga netizens:


“Maski ako, if ever na maging Elon Musk ako, I will pay all the debt of ABS-CBN then give it to the original owner to bring back true quality entertainment.”

“I miss Gandang Gabi Vice.”


“She’s so grateful kaya lalo s’yang pinagpapala. That’s the law of attraction.”

“Super-bait at makatao talaga si Vice Ganda kaya blessed.”


“Vice is worth more than a million dollars.”


“Nakakaantig ng puso, Meme Vice. Ang ganda ng kalooban mo.”



NO offense meant po. Pansin ko lang na may nabago sa ngipin ni Ogie Alcasid. Halata kasi na kapag siya ay nagsasalita, hindi maiwasang mapansin na may pagbabago sa kanyang ngipin. 


Tila may sira ito o may tumubong extra na ngipin sa harapan, sa bandang ibaba. Sana ay ipa-dental ni Ogie ang kanyang ngipin dahil hindi magandang tingnan sa screen. 


Maging ang aking apo ay nagtanong, “Mama, bakit ang pangit ng ngipin ni Ogie sa parteng ibaba? Hindi naman ganyan dati, ‘di ba?” 


Dagdag pa niya, “‘Di ba, mayaman s’ya, bakit ‘di n’ya ipagawa?”


May punto ang apo ko dahil napansin ko rin na noong nakaraang taon ay hindi ganyan ang ngipin ni Ogie. Nitong taong ito lamang naging kapansin-pansin ang pagbabago. Sana ay ipa-dental na niya o ipa-veneer. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page