top of page
Search
  • BULGAR

Napatalsik sa TV5 dahil sa TVJ… IT'S SHOWTIME, BABANGGAIN ANG EAT BULAGA SIMULA APRIL 6

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 21, 2024




Bilog talaga ang mundo at mapaglaro ang tadhana!


Oh, devah, nagkatotoo nga ang haka-haka na ang It's Showtime na ang ipapalit sa Tahanang Pinakamasaya ng TAPE, Inc., na ilang linggo pa lang ang nakararaan ay sumuko na sa laban sa Eat… Bulaga! ng TVJ sa TV5 dahil balitang lubog sa utang ang noontime show sa GMA-7.


Sa inilabas na official statement ng Kapuso Network, kinumpirma nila ang collaboration sa pagitan ng GMA-7 at ABS-CBN para sa It's Showtime na mapapanood na nga sa Kapuso noontime slot (12 NN to 2:30 PM) simula sa April 6.


So, malinaw pa sa sabaw ng buko na direktang banggaan ito ng dalawang noontime variety shows.


Pero come to think of it… 'di ba't bago napunta sa GTV ang It's Showtime ay nasa TV5 ito? Pero dahil sa pagpasok ng TVJ sa Kapatid Network, na-bump-off ang noontime show nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro among others sa pananghalian kaya no choice sila kundi mag-ober da bakod sa ibang channel.  


Fast forward ng ilang buwan, ayan na, ang na-bump-off na It's Showtime sa TV5, ngayon ay direktang kabanggaan na uli ng Eat… Bulaga! sa pananghalian.


Oh, 'di ba, ikut-ikot lang, kahit itanong pa natin kay Sarah Geronimo? Char!


Well, ang maganda nito, tiyak na buhay na buhay na naman ang mga netizens sa pagtatalu-talo sa kani-kanilang favorite noontime show kaya iingay na naman ang kani-kanilang palabas.

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page