Napatalsik sa posisyon, ayaw daw siyang tantanan… KRIS: GUSTUNG-GUSTO NILA KAMING GANTIHAN, KULANG
- BULGAR
- Mar 22, 2021
- 3 min read
PA NA IPINAPATAY NA NILA ANG DAD KO
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 22, 2021

Finally ay nagsalita na si Kris Aquino na ilang araw na rin niyang ipinangako sa kanyang mga tagahanga and followers.
Kahapon ay ipinost na niya sa Instagram ang video na hinati niya in two parts at sa simula pa lang, in a fighting form na si Kris.
“Nanay ako na binabalahura na ang mga anak,” diin niya.
“Sinubukan ko to shut up para huwag na ‘tong humaba but shutting up caused me even more stress. Stress happens to be the number one enemy of autoimmune,” she added.
Ang pagbabalahurang sinasabi ni Kris sa mga anak niya ay ang pagkuwestiyon sa pagkalalaki ng bunso niyang anak na si Bimby at ang pang-iintrigang nakabuntis ang panganay niyang si Joshua.
“Now, I am ready to name names,” sey pa niya.
“Kuya Josh happens to be very happy in Tarlac. He is not there para mag-establish ako ng presence in the same province where my brother and father started their public service journeys.
“Pero kahit walang pangalan, walang picture, walang detalye, naglabas ng video sa YouTube na merong nabuntis si Kuya Josh.
“Now, my bunso, si Bimb, bullying a 13-year-old dahil sa tingin ninyo or tingin nila, bakla siya.
“Utang na loob naman! This is 2021, we are living in 2021. Bimb is tall, he is good looking, he’s well-educated. He is intelligent. First honor siya, ‘di ba? He is articulate, respectful. Hindi siya palamura and he happens to be very mature. Thirteen years old lang siya,” pahayag ni Kris.
Ayon pa sa Queen of All Media, nagdesisyon daw siyang magsalita para ipagtanggol ang kanyang mga anak.
“In order to defend them, I know, I’m willing to go through war. Because – o, ito na ang hinihintay n’yo na because – because hindi nila fault that they cannot count on their fathers. Hindi nila choice na ang nanay nila, ang apelyido, Aquino. Hindi nila kasalanan that the lies about my family will continue until history gets completely rewritten.
“Nagbanggit lang ako ng yellow brick road in an art card, default mode na ‘yung line of attack. The STD, lumabas na. Akala ko pa naman, nag-iisip.
“May I explain? Bala ‘yan na laban sa akin. Puwede ninyong paputukin kung itinago ko. You can use it against me if it’s a skeleton I hid in my closet. But that happened 18 yrs. ago. Ako mismo ang nag-tell-all. I did that ‘live’ on TV Patrolin my mother’s house. That was an iconic interview,” patuloy ni Kris.
Kaya paano raw ngayon gagamitin ito ng mga kalaban niya against her samantalang noon pa ay ini-reveal na niya?
Ayon pa kay Kris ay maling panahon daw ito para sa political divisiveness dahil kasalukuyan tayong nasa pandemya at marami na ang namatay, nagugutom at nawalan ng trabaho.
She also pointed out na nang sinikap niyang tumulong ay na-misinterpret pa.
“Hindi po ako kagaya ng iba, hindi po ako epal. Wala po akong agenda. Tumatanaw lang ako ng utang na loob. Because my mom taught me, there would be no Kris Aquino if Filipinos did not support or believe in you.
“Mas lalong hindi po ako kagaya ng iba. Kasi, ako po, nagbibigay galing sa bulsa ko. Nagbabayad po ako ng tamang buwis, wala po akong history na nagnakaw ako sa taumbayan,” aniya.
Pagdidiin pa ni Kris, “I have no party affiliation pero alam ko kung sino ang napatalsik at gustung-gusto kaming gantihan dahil kulang para sa kanila na ipinapatay na nila ang dad ko.
“That is not Pres. (Rodrigo) Duterte, dahil alam ko, never ko siyang binanatan. So, para po sa mga DDS (diehard Duterte supporters), wala tayong reason na maging magkaaway.”
Sa kabila ng nangyayari, sinabi rin ni Kris na hangad niya ang tagumpay ng Duterte administration.
“With everything that has happened, I still continue to pray for the current administration, for this government, that is ruling us right now. ‘Pag pumalpak sila, tayong lahat, mga Pilipino ang babagsak,” pahayag ni Kris.





Comments