top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Napataas ang kilay ng netizens sa pagtatalaga kay ex-Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa Napolcom

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 3, 2021



SABI NI MAGALONG, PINAL NA ANG KANYANG RESIGNATION PERO KUNG PIPIGILAN NI P-DUTERTE AY HINDI NA RAW SIYA MAGRE-RESIGN—Nang mag-viral sa social media na dumalo si Mayor, ret. Gen. Benjamin Magalong at misis niya sa bonggang birthday party ni Tim Yap sa Baguio City at mabatikos ng publiko, nag-resign siya bilang contact tracer czar ng IATF (Inter-Agency Task Force) dahil hindi na raw siya karapat-dapat sa posisyon at sa mga interbyu ng media, ang sabi niya ay pinal na ang kanyang desisyong mag-resign.


Pero ayon kay Magalong, kung pipigilan siya ni P-Duterte, hindi na siya magre-resign.


‘Yan si Magalong, laban-bawi sa resignation, ha-ha-ha!


◘◘◘


MARAMI ANG NAPATAAS ANG KILAY SA PAGTALAGA NI P-DUTERTE KAY AGUIRRE SA NAPOLCOM—Sa panahon ni dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre naabsuwelto sa kasong drug trafficking noong March 7, 2018 ang mga suspected drug lords na sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co at iba pang drug traffickers at dahil sa batikos na inabot ng DOJ mula sa publiko ay nagpasya si Aguirre na mag-resign at ang resignation ay tinanggap naman ni P-Duterte.


Kaya nang kunin ulit ni P-Duterte si Aguirre para manungkulan bilang commissioner ng National Police Commission (Napolcom) ay marami ang napataas ang kilay kasi raw ay baka mga iskalawag na parak na may mga kaso sa Napolcom ang maabsuwelto, nakupo!


◘◘◘


DATI WALA NANG “TONGPATS COLLECTOR” SA PNP, NGAYON MERON NA NAMAN—Sa panahon nina dating PNP Chief Generals Archie Gamboa at Camilo Cascolan at dating NCRPO (National Capital Regional Police Office) Gen. Guillermo Eleazar ay walang naglakas-loob na gamitin ang kanilang pangalan para mangolekta ng payola sa mga ilegalista dahil alam ng mga tongpats collector malilintikan sila.


Pero sa panahon ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, gasgas na gasgas na pangalan niya sa panggagamit ni alyas Berlin para makakolekta ng payola sa mga ilegalista at gasgas na gasgas na rin ang pangalan ni NCRPO Director Gen. Vicente Danao sa panggagamit nina “Madam Reyna”. “Cesar Pilosopo” at “Ad-Juan”, eh, ang dalawang heneral na ito (Sinas at Danao), “nganga” lang, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page