top of page

Napangitan sa sound ng mic… VOCALIST NG SIAKOL, NAGWALA SA SHOW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 3, 2024
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 3, 2024



File photo
File photo: Siakol / FB

GUMAWA ng eksena ang bagong vocalist ng Siakol na si Warren Aurin sa kanilang event. 

Na-frustrate umano ang vocalist dahil sa hindi magandang technicality.

Sa Facebook page ni Tito Rhod Dale, ibinahagi niya ang video na kuha sa "pagwawala" ng Siakol vocalist. 

Agad na nag-viral online ang ginawa ni Warren at iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizens ang kanyang natanggap. 

Sa video, makikita ang famous band na nagpe-perform, pero ang kanilang vocalist ay tila hindi satisfied sa sound quality ng speaker at volume ng microphone. 

Nairita ang bagong vocalist na kita sa kanyang facial expression due to the sound system’s timbre. 

Hindi niya marinig ang kanyang boses habang kumakanta. ‘Di rin daw nito naririnig nang mabuti ang boses sa monitor speaker. 

Ilang beses daw nitong ipinaayos sa sound operator na taasan ang volume ng microphone, but there seemed to be no change in the sound. 

Maya-maya ay iritable nang ibinagsak ng vocalist sa sahig ang microphone. 

One of the event organizers intervened and requested the operator to adjust the microphone’s volume.

Nang pinalitan ng isang crew member ng wireless ang mic ay nag-improve na ang sound nito. 

After that, Aurin asked for respect from the sound operator, expressing his disappointment in their work.

“Hindi naman natin ginagawang tanga ang mga tao dito, kaya n’yo naman palang gawin ‘to, ayoko ng ganito, gusto ko every time na magso-show kami para sa inyo, kaya kami nandidito, para sa inyo, ayaw naming mapahiya sa inyo,” wika ni Aurin. 

After niyang sabihin iyon ay nagpatuloy na silang mag-perform. Ang caption ng video: “Full video kung bakit nagalit ang vocalist ng Siakol.”

2 Comments


ChatGPT Japan GPTJP_net
ChatGPT Japan GPTJP_net
Sep 29

The incident with Siakol’s new vocalist highlights how technical flaws can escalate into public controversies. It shows the fragile link between performance quality and event management. Just like handling sound systems, using the latest チャットGPT 日本語 無料 model free at GPTJP.net ensures clarity, efficiency, and smooth interaction without frustration.

Like

SoundBoardW Com
SoundBoardW Com
Aug 21

It’s clear that Warren Aurin’s frustration came from poor sound quality, which is every performer’s nightmare. A reliable soundboard or sound board setup could’ve prevented the issue. Fans online even turn such viral outbursts into meme soundboard clips, sound buttons, and soundbutton effects download trending sounds free at SoundBoardW.com.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page