top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Napaiyak sa award… SUNSHINE AT CHARO, TIE NA MOVIE ACTRESS OF THE YEAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2023
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 18, 2023




Sa kabila ng malakas na ulan, maningning at matagumpay ang 38th Star Awards for Movies ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) na ginanap nitong Linggo nang gabi, Hulyo 16, 2023, sa Centennial Hall ng The Manila Hotel.


Nakipagsanib-puwersa ngayong taon ang PMPC sa Gutierez Celebrities & Media Production na pinamumunuan ni MJ Gutierez para ihatid ang modern Filipiniana theme ng naturang awards night.


Kaya naman, nakatutuwang pagmasdan ang pagrampa sa red carpet ng mga celebrities at guests suot ang kanilang mga magagarbong barong at Filipiniana gowns sa pangunguna ng mga hosts ng Gabi ng Parangal, na nagwagi rin ng mga special awards — Claudine Barretto (Female Star of the Night), Sunshine Cruz (Face of the Night), Alfred Vargas (Darling of the Press), at Christian Bautista (Male Star of the Night).


Marami sa mga nagwagi ang naging emosyonal at hindi napigilang mapaiyak sa pagtanggap ng kanilang mga awards gaya na lang ni Sunshine Dizon na itinanghal na Movie Actress of the Year para sa pelikulang Versus.


Naka-tie ni Sunshine sa naturang award si Charo Santos-Concio para naman sa pelikulang Kun Maupay Man It Panahon.


Emosyonal din ang mga special awardees na sina Ms. Helen Gamboa at Direk Chito Roño. Ang anak ni Helen na si MTRCB Chairperson Lala Sotto ay kasama ng mga present and past presidents ng PMPC sa pagbibigay sa veteran actress ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.


Napaiyak naman si Direk Chito sa sorpresang pagdalo ng kanyang mga alagang Streetboys na kinabibilangan nina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Danilo Barrios, Meynard Marcellano, Joey Andres, Christopher Cruz, at Nicko Manalo upang igawad sa kanya ang kauna-unahan niyang Lifetime Achievement Award na Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera.


Ayon kay Direk Chito, bihira kasing mabuo at mapagsama-sama sa iisang event ang Streetboys kaya labis niya itong ikinatuwa.


Humakot ng mga major awards ang pelikulang Katips sa pangunguna ng Indie Movie of the Year at Indie Movie Director of the Year para kay Vince Tañada.


Si Vince rin ang itinanghal na Movie Actor of the Year habang ang co-actor niya sa pelikula na si Johnrey Rivas ang nagwaging Movie Supporting Actor of the Year.


Ang Katips din ang nakakuha ng Indie Movie Ensemble Acting of the Year, pati na ang Indie Movie Musical Scorer of the Year para kay Pipo Cifra.


Marami rin ang naiuwing parangal ng On The Job 2: The Missing 8 kabilang na ang Movie of the Year, Movie Director of the Year para kay Erik Matti, Movie Supporting Actress of the Year para kay Lotlot de Leon (ka-tie si Janice de Belen para sa Big Night!), Movie Ensemble Acting of the Year para sa buong cast, Movie Screenwriter of the Year (Michiko Yamamoto), at Movie Sound Engineer of the Year (Corinne De San Jose).


Mas pinakinang pa ang gabi ng parangal dahil sa mga world-class performances ng The Company at nina Daryl Ong, Marlo Mortel, at ng Concert King na si Martin Nievera.


Ang awards night ay pinamunuan ng kasalukuyang pangulo ng PMPC na si Fernan de Guzman bilang overall chairman kasama ang mga 2023 PMPC officers at board of directors.


Ang kasalukuyang vice-president na si Mell Navarro ang tumatayong chairman ng 38th Star Awards for Movies katuwang ang PMPC Asst.-Treasurer na si Lourdes Fabian bilang co-chairman. Si Frank Lloyd Mamaril ang direktor ng naturang gabi ng parangal.


Ang kabuuan ng awards night at pagtatanghal ay mapapanood sa AllTV Network sa darating na Linggo, Hulyo 23, 9 PM.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page