Napaiyak pa raw sa mall… MOIRA: ‘DI AKO BINATO NG BOTE, NABATO LANG
- BULGAR

- Mar 2, 2025
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 2, 2025
Photo: Moira - Circulated
Pinabulaanan ni Moira Dela Torre na binato siya ng bote sa isang mall show kamakailan.
Kinlaro ng singer na hindi totoo na binato siya ng bote ng tubig. Aksidente lang daw ang nangyari, nahulog ang bote mula sa isang nanonood sa itaas ng mall.
Ibinahagi rin niya na kaya siya napaiyak ay dahil sinorpresa siya ng kanyang kaibigan.
Aniya, “At saka hindi ako binato ng bote, okay? Nabato lang, nabato tuloy, nalaglag lang ‘yun.
“At saka ‘di ako umiyak dahil nabato ako ng bote, umiyak ako kasi sinurprise ako ng best friend ko.”
PUMIRMA ng exclusive contract ang The Voice US (TVUS) champion na si Sofronio Vasquez sa ABS-CBN Star Magic.
Si Sofronio ay nag-champion sa TVUS noong nakaraang taon. Sadyang hilig niya ang singing, kaya’t hindi siya tumitigil sa pagsali sa iba’t ibang singing competitions.
Dati na rin siyang sumali sa Tawag ng Tanghalan (TNT), pero hindi pinalad na magwagi.
Sa TVUS, nang pumasok siya sa grand finals, ang naging mentor niya ay si Michael Bublé. Hanga si Vasquez sa international singer dahil lagi nitong ipinaaalala sa kanya na maging proud siya bilang Pinoy.
Well, ang mensahe ni Sofronio sa mga aspiring singers ay huwag titigil sa kanilang dream, maghintay lang daw at iyon ay darating.
Mister, nag-announce na kani-kanya muna sila…
PRISCILLA: KASAL PA RIN KAMI NI JOHN
KINLARO na ni Priscilla Meirelles ang relationship status niya sa aktor na si John Estrada.
Aniya, “Legally, we’re still married.”
Guest ang Miss Earth 2004 sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Sinabi niyang kasal pa rin daw sila ng actor, pero hindi niya sinagot kung they are staying together.
Last year, nag-post si Estrada na they ‘agreed to take a break.’ Hindi siya aware na magsasabi ng ganoon ang actor.
Sey niya, “I don’t know, maybe kung nag-decide s’ya sa side n’ya na take a break.”
Sa ngayon, in-assure ni Priscilla that she is currently at peace, has joy from within, and that she’s having a great time focusing on herself.
“I’m investing time on myself health-wise, you know, physical health, mental health. I have a wonderful relationship with my daughter, and whatever happens in terms of what my status is right now, all I can say is that technically, I’m still married,” wika niya.
Tinanong siya kung ipinaglalaban pa rin niya ang kanilang marriage. Sagot ng former beauty queen, “I’m at a point in my life that [ipinaglalaban] ko ‘yung sarili ko.
“I went back to loving myself, which was lost for many years. And I’m not blaming anyone, it’s basically my fault that I got to a point where I was not loving myself anymore. So today, I can say that, oh, my gosh, I have so much love because I love myself first. Of course, God, me, and then I have so much love to share,” dagdag pa niya.






Comments