Napag-usapan na raw nila ‘yun… CLAUDINE, NILAGYAN NG RED LIPSTICK AT KUKO ANG PUMANAW NA KAIBIGANG BEAUTY QUEEN
- BULGAR
- 21 hours ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 3, 2025
Photo: Claudine Barretto - IG
Trending ang ginawang pag-aayos ni Claudine Barretto sa mga labi ng kanyang kaibigang beauty queen-talent manager na si Aida Patana sa burol nito.
Emosyonal si Claudine habang inaayusan si Aida sa kabaong. Ang turing kasi ni Clau sa kanya ay hindi lang kaibigan kundi kapatid kahit hindi niya ito kadugo.
Sa isang Facebook (FB) livestream, inalala ni Claudine ang pagiging sandigan nito sa mga panahon na siya ay may pinagdaraanan sa buhay.
Inayusan at nilagyan ng hikaw ni Claudine ang labi ni Patana, bilang pagtupad sa matagal na nilang usapan tungkol sa nais nilang hitsura sa sarili nilang burol.
Sa Instagram (IG), ibinahagi ng aktres ang kanyang matinding kalungkutan sa pagkawala ng kaibigan at nag-alay ng dasal para sa kanilang dalawa. Hindi napigilang mapaluha ni Claudine habang nagbibigay-pugay kay Aida.
“Napag-usapan na namin ito,” ani Clau.
Makikitang personal na nilagyan ni Claudine ng hikaw si Aida, nilagyan ng pulang lipstick at pulang kuko.
Pahayag niya, “When I said that ‘Blood is not thicker than water,’ this person I lost is exactly what I meant... Please pray for her soul and please pray for me too. MY SISTER NOT BY BLOOD BUT BY CHOICE.”
Ang isa pang post ng Optimum actress, “I’m lost for words, sis. But I guess this song says it all. I don’t know how I will be able to go through the coming years without you. It’s so painful even breathing hurts.”
Si Aida Patana ay kilalang personalidad sa Cebu bilang beauty queen, businesswoman, at talent manager. Bukod sa kanyang mga tagumpay sa industriya ng entertainment at negosyo, naging kilala rin siya sa kanyang malasakit at pakikipagkaibigan sa mga artista, kabilang si Claudine.
Isa siya sa mga taong naging malapit sa puso ng aktres, lalo na sa mga panahong may pinagdaraanan si Claudine.
Ang biglaang pagkawala ni Patana ay malinaw na nag-iwan ng malalim na sugat sa puso ng kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay.
NAG-REACT si Daniel Padilla sa desisyon ng nakababata niyang kapatid na si Carmella Ford Tenorio na pasukin na ang showbiz.
Sey ni DJ, “Gusto n’ya talagang pumasok sa showbiz. I’ll just guide her,” sabay sabing hindi raw madali ang pumasok sa showbiz.
Kamakailan lang ay opisyal na pumirma ng kontrata si Carmella sa Star Magic, ang talent management company ng ABS-CBN.
Sinabi niya kay Carmella na kung talagang gusto nitong mapabilang sa showbiz, kailangang magkaroon ng matatag na pagpupursige dahil maraming tao ang maaaring magtangkang diktahan siya kung ano ang dapat niyang gawin.
“Nand’yan na s’ya at magsisimula na s’ya. I’m just happy na she’s doing kung ano ang gusto niyang gawin,” wika ni Daniel.
Natanong din ang aktor kung stage brother ba siya.
Sagot niya, “We will see, tingnan natin. Hindi pa nagsisimula, eh. But I’ll be very protective.”
Comments