Napabalitang hiwalay na… ANGEL, NAG-POST NG WEDDING PICTURES NILA NI NEIL
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 17, 2022

Natuwa ang mga fans ni Angel Locsin dahil at last daw ay nagparamdam na ang aktres sa social media.
Ilang buwan din kasing walang paramdam si Angel after nilang mag-first wedding anniversary ng asawang si Neil Arce
Sa Facebook page ni Angel, umani ng reaksiyon ang recently posted wedding pictures nila ni Neil.
Makikita sa naturang post ng FB page ang Team Angel PH na ayon sa mga netizens ay nangangahulugang admin ng page ang nag-post.
Gayunpaman, hindi man si Angel mismo ang nag-post nito, pagpapatunay lang ito na hindi totoo ang balitang hiwalay na ang mag-asawa.
Usap-usapan kasi sa social media na hiwalay na umano sina Angel at Neil. Kaya naman, umani ng reaksiyon at mga komento ang pinakabagong post na makikita sa FB page ng aktres.
Ang caption ng wedding pictures ng celebrity couple ay: "Together, forever."
Marami ang natuwa dahil pagpapatunay ito na hindi totoo ang balitang hiwalay na ang mag-asawa.
"Yes, finally, nagparamdam ka na po, Miss Angel Locsin. Stay safe po kayo palagi. God bless, Idol."
"Angel, naiyak ako, nakita ko 'yung wedding mo. We miss you so much, idol. 'Yan 'yung araw na walang mapaglagyan ng saya ang bawat isa...congrats."





Comments