top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Napaamin nina Ciara at Iwa… SEN. PING, UMAMING NAGBIHIS-BABAE NA SILA NI GRINGO

BULGAR
Mar 22, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 22, 2022




Sa YouTube vlog naman ni Ciara Sotto ay naging guests niya ang kanyang amang si Senate President Tito Sotto at ang running mate nitong si Sen. Ping Lacson.


Sa naturang vlog ay kasama rin ni Ciara ang dating aktres na si Iwa Moto na as we all know ay partner in life ng anak ni Sen. Ping na si Pampi Lacson.


Sumailalim sa Thumbs Up or Down challenge ang dalawang magka-tandem na senador sa pagka-presidente at bise-presidente.


Natanong ang dalawa kung nahuli na raw ba ang mga ito sa paglabag sa batas-trapiko at pareho silang nag-thumbs up.


Ayon kay Tito Sen ay nahuli na siya sa Skyway, sa NLEX at sa SLEX.


Si Sen. Ping naman ay sa Skyway daw nahuli at ang nakakatuwa, sabi raw sa kanya ng traffic enforcer, “Para kayong si Senate President, nahuli na rin namin dito.”


Tawa nang tawa sina Iwa at Ciara.


Aminado rin si Lacson na na-involve na raw siya sa rambulan noong kanyang kabataan. Kumbaga, bahagi lang ito ng kanyang kapusukan noong nag-aaral pa siya.


Ibinahagi rin niyang nakapag-cross dress na siya o nakapagdamit ng pambabae noong nasa PMA (Philippine Military Academy) pa raw siya. Sila raw ng batchmate na si Gringo Honasan ang madalas na nauudyukan na sumali sa ganitong mga events o rampahan noong nag-aaral pa sila sa PMA.


Ikinuwento rin niya na nakaranas na siya ng matinding sports injury noon. Boxer daw siya dati sa PMA at minsan na siyang napuruhan.


Katunayan, dahil daw sa kanyang natamong injury ay na-technical knockout siya noon. Hirit pa niya, never din daw siyang sumubok ng illegal na droga lalo pa't naging crime buster siya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page