top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Nanorpresa sa b-day ni Bossing… VIC, NAHIRAPANG HUMINGA DAHIL KAY ICE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 14, 2024
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 14, 2024




Sobrang nakakatuwa ang tila sorpresang birthday greeting na ginawa nina Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K, Paolo Ballesteros at Ice Seguerra sa Peraphy portion ng Eat… Bulaga!. 


Sila kasi ang nag-replace sa mga singing queens ng segment, at may kani-kanya silang paandar sa pagbati kay Bossing Vic Sotto.


As usual, kuwela sina Jose at Wally, Allan K at Paolo, pero ang pinakanagbigay talaga ng bonggang sorpresa ay si Ice na naging si Aiza sa ganda. Nagpakilala siya bilang si Caring.


Riot na riot ang tawanan ng lahat ng tao sa studio, na siyempre pa’y sure ring naging emotion ng mga nanonood sa TV, hahaha!


Ang ganda-ganda ni Aiza o Ice sa suot niyang pink dress na halos hindi mo makikilala bilang babae.


Tuwang-tuwa si Bossing Vic na nag-request pa ngang mag-commercial muna dahil hindi na raw siya makahinga sa sobrang aliw at tawa kay Aiza, hahahaha!


Happy birthday, Bossing!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page