Nanood ng laban ni Mayweather, Jr. JINKEE, P6M ANG OOTD
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 10, 2022

Hindi nga nakaligtas si Jinkee Pacquiao sa mata ng ilang netizens na laging nakasubaybay sa kanyang mga isinusuot kapag may event na dadaluhan.
Kaya naman, nang manood sila ni Manny Pacquiao ng laban ni Floyd Mayweather, Jr. vs. Asakura na ginawa sa Japan, napansin ng lahat ang kanyang all-brown OOTD na puro branded.
Ang kanyang shirt na AJE (Australian brand) ay P16,000 ang halaga. Ang brown pants naman ay P17,000. At ang Celine brown belt ay P34,000.
Ang suot niyang sapatos (sling pump) na Amina Muaddi ay worth P71,550. Habang ang brown Hermes bag na Kelly Sellier with gold trimmings ay nagkakahalaga ng P2M!
Ang suot naman niyang Rolex Daytona watch na puno ng sapphire stones and diamonds ay nagkakahalaga ng P2.7M.
Kaya no wonder, almost P6M ang OOTD ni Jinkee Pacquiao nang manood ng boxing match sa Japan. Ang taray!





Comments