top of page

Naniwala sa horoscope, b-day at edad tinayaan.. Mag-ama, sabay naka-jackpot sa Lotto

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2023
  • 1 min read

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 16, 2023



Magkaparehong mga numero ang tinayaan ng mag-ama sa Laguna na mahigit P11 milyon ang jackpot prize sa MegaLotto 6/45 draw noong February 27, 2023.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, kinuha na ng mag-ama ang pinaghatian nilang premyo na P11,631,365.60

Ibinahagi ng anak na ang kanyang tinayaang numero ay ang kanilang petsa ng kaarawan at edad na tumama; 25-4-11-35-15-09.

Base naman sa ama, una niyang tinayaan ang mga numero sa isang lotto outlet sa plaza ala-1 ng hapon.

“Tapos pagbalik ko sa sasakyan ko bandang 3:00 pm, tumaya ulit ako ng parehong number. Pag-uwi ko sa bahay ibinigay ko sa kanya (sa anak ko), sabi ko, tig-isa tayo.


Kapag tumama hati tayo,” kuwento ng ama sa pahayag ng PCSO.

Naniniwala rin ang ama sa kanyang horoscope na sasagana umano ang kanilang buhay ngayong taon.

“Sabi sa horoscope ko ang 2023 daw ay year of abundance para sa lahat ng ipinanganak ng 1959 at malaki ang chance na yumaman ngayong taon kaya taya lang po ako ng taya ng lotto,” sabi ng ama.

Samantala, wala pa raw plano ang mag-ama kung ano ang gagawin nila sa napanalunan na kung kaya’t ilalagay muna raw nila ito sa bangko.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page