top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Nangongolekta ng protection money sa mga sabungan... 2 pekeng NBI agent, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
32 minutes ago
1 min read

by Benjamin Chavez @News | September 15, 2026



Nangongolekta ng protection money sa mga sabungan... 2 pekeng NBI agent, timbog

Photo: File / NBI



Arestado ang dalawang lalaki na umano’y nagpapanggap na mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos salakayin kamakalawa ng NBI-NCR ang isang ilegal na sabungan sa Taytay, Rizal.


Naabutan umano ang dalawa, na hindi muna pinangalanan, sa loob ng cockpit arena na may mga pekeng NBI ID at tactical badge, habang nakuha rin sa isa sa kanila ang isang baril na may magazine at limang bala na wala umanong kaukulang lisensya at permit.


Ayon sa NBI, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa umano’y pangingikil ng grupo sa mga sabungan kapalit ng protection money.


Lumabas din sa imbestigasyon na nagpapanggap umano ang mga suspek bilang kinatawan ng BIR upang maningil ng pera, at may kaparehong modus na umabot sa Batangas at Laguna.


Nahaharap sila sa mga kasong Usurpation of Authority, Robbery Extortion at paglabag sa batas hinggil sa firearms and ammunition.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page