Nangangapa pa raw… SHOW NG TVJ SA TV5, WALANG LIVE AUDIENCE
- BULGAR
- Jun 30, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 30, 2023

Nagkaroon ng blessing ang TV5 sa studio na gagamitin ng TVJ at legit Dabarkads sa noontime show nila sa July 1 at present sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, ang Dabarkads, staff at crew, at mga taga-TV5.
Ang comment ng mga netizens, maliit ang studio na gagamitin ng TVJ, pero nabanggit sa mediacon na dalawang studios ng TV5 ang gagamitin para sa show.
Mukhang ready na ang TVJ at ang Dabarkads at ang TV5 sa pilot airing ng noontime show bukas, at bukas na rin malalaman kung ano ang title ng show.
Hindi pa rin open sa live audience ang pilot airing ng show ng TVJ dahil sabi ni Joey de Leon, kinakapa pa nila ang studio na kanilang gagamitin.





Comments