Nangangamoy-hiwalayan kay Erwan… ANNE, KUMANTA NA SA DAHILAN NG PAGPAPAGUPIT NG BUHOK
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 6, 2022

Ini-reveal ni Anne Curtis ang dahilan ng "biglaang" pagpapagupit ng buhok niya sa episode ng It's Showtime recently.
May mga alingasngas kasi na kapag nagpagupit ang babae, may ibig sabihin daw lalo na sa mga female celebrities at inili-link agad na may pinagdaraanan sa kanilang personal life.
Sa kaso ni Anne, mukhang wala namang balita na may personal problem siya, so far. So far?!
Wala ring balitang negatibo sa marital status niya with Erwan Heussaff. Although, nahihiwagaan ang ibang netizens sa "sobrang katahimikan" ng pagsasama nila ni Erwan.
Pero mabuti na lang at inunahan na ni Anne ang mga netizens na nag-iisip ng kung anik-anik kaya may-I-explain siya kung bakit nagpa-short hair bigla.
"Na-feel ko lang magpa-short hair bigla for a change in life. Okay ba, madlang people?" tanong ni Anne.
In-explain niya na inspired daw sa isang French character ang bago niyang hairstyle.
"Actually, ang isa sa mga inspiration ko, si Amelie, isa siyang French character," she relayed.
Pinuri-puri naman si Anne ng mga co-hosts niya sa It's Showtime.
Sabi ni Kim Chiu, "Parang bumata si Ate Anne nang 15 years."
Ikinumpara naman ni Jhong Hilario ang new look ni Anne sa character na si Tokyo sa Netflix series na Money Heist."
Habang ang mga netizens naman ay inihahalintulad ang bagong look ni Anne sa ibang Hollywood stars.
"Ang ganda talaga ni Anne, look-alike ni Natalie Portman, kahit ano'ng style na suot at buhok, lahat bagay sa kanya," one netizen commented.
"Amelie is such a great film! Amelie's haircut looks great on Anne Curtis!"
So, there.





Comments