top of page
Search
  • BULGAR

Nangangamoy-balikan daw… JOHN LLOYD AT SHAINA, TOGETHER AGAIN SA SWITZERLAND

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 9, 2023



Nasa Switzerland ngayon sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao para um-attend ng screening ng kanilang movie na Essential Truths of the Lake na official entry ng ‘Pinas para sa 76th Locarno Film Festival. Ito ay mula sa direksiyon ni Lav Diaz.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagtagal ng dalawang taon ang controversial relationship nina John Lloyd at Shaina. Kaya ang kuhang larawan ng dalawa ay binigyan agad ng kulay ng mga netizens.


Ayon sa mga ito, “May naalala ako, hahahaha!”


“Ang ganda ni Shaina. Kaya ang daming inggitera.”


“For sure, pagkakita n’yo kina John Lloyd at Shaina ay may una kayong maaalala sa kanila.


Charizzzz!”


Espekulasyon ng ibang netizens na posibleng magkabalikan ang ex-showbiz sweethearts, lalo na raw at loveless si Shaina. Although may kumakalat na tsismis na magdyowa sila ni Piolo Pascual, pero idinenay naman ito ng kanyang elder sister na si Vina Morales.


Kung single o hindi man ngayon si Shaina, siguro ay mas gusto niya na magkaroon ng peaceful na buhay.


“Walang kupas ang ganda ni Shaina.”


“Nababagayan talaga ako sa kanilang dalawa. Not a fan of both, pero ‘pag nakikita ko ‘yung mga pictures nila together noon, kinikilig ako for them. Sayang.”


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page