top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nang-rape raw kay Deniece, laya na… CEDRIC KAY VHONG: 'DI PA TAPOS ANG LABAN!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2022
4 min read

Updated: Dec 12, 2022

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | December 11, 2022



Naku, naku, naku!!!


Oo nga't nilalasap na ni Vhong Navarro ang pansamantala niyang kalayaan ngayon matapos makapag-bail ng P1 M sa kasong rape na isinampa ng dating model na si Deniece Cornejo, aba'y hindi pa rin pala siya mapapayapa at dapat makampante, ha?


Nagpadala raw kasi ng mensahe ang negosyanteng si Cedric Lee sa GMA News na ang nilalaman ay, "Hindi pa po tapos ang laban. Mahaba pa po itong laban na ito."


Si Cedric Lee ay kaibigan ni Deniece na isa sa mga sumaklolo rito nang maganap diumano ang alleged rape sa ex-model at kasama rin sa grupong bumugbog kay Vhong.


Teka, ano naman kaya ang reaksiyon ni Vhong o ng kampo niya sa hirit na 'yan ni Cedric?



After manalo sa FAMAS... KATIPS, HUMAKOT NG NOMINASYON SA 38TH STAR AWARDS FOR MOVIES



Matapos humakot ng awards sa 70th FAMAS ang Katips nu'ng July, 2022, heto at humakot din ng nominasyon ang pelikula sa 38th PMPC Star Awards For Movies.


Inihayag ng pamunuan ng Philippine Movie Press Club ang mga nominado sa 38th PMPC Star Awards for Movies at ang Katips na mula sa PhilStagers Film ay nominado bilang Indie Movie of the Year.


Bida sa Katips si Vince Tanada na siya ring sumulat at nagdirek nito, at nominado rin siya bilang Movie Actor of the Year.


Pinuri ang acting ni Vince sa movie lalo na sa breakdown scene na naging dahilan para mapansin siya ng mga bumubuo sa PMPC.


Nominado rin si Vince bilang Indie Movie Screenwriter of the Year at ganu'n din sa Indie Movie Director of the Year.


Tatlong nominasyon ang nakuha ni Vince sa 38th PMPC Star Awards for Movies.


Ang isa pa sa cast ng Katips na si Johnrey Rivas ay nominado naman bilang Movie Supporting Actor of the Year. Gaya ni Vince ay mahusay din sa pelikula si Johnrey, lalo na sa torture scene, kaya pasok siya bilang nominado sa nasabing category.


Ang singer-actress na si Nicole Laurel Asensio ay nominado naman bilang New Movie Actress of the Year. In fairness, baguhan man sa pag-arte ay nagpakita ng husay si Nicole sa Katips kaya napansin din siya ng mga bumubuo sa PMPC.


Dahil mahuhusay ang buong cast ng Katips ay nominado rin ito bilang Indie Movie Ensemble Acting of the Year.


Ang ilan pa sa nominasyon na nakuha ng Katips ay ang Movie Cinematographer of the Year (Manuel Abanto), Indie Movie Editor of the Year (Mark Jason Sugcang), Indie Movie Production Designer of the Year (Roland Rubenecia), Indie Movie Sound of The Year (Dondon Mendoza), Indie Movie Theme Song of the Year (Sa Gitna Ng Gulo performed by Jerome Ponce, Nicole Laurel Asensio, Vince, Adelle Ibarrientos, Joshua Bulot, Vean Olmedo, Johnrey, and Carla Lim; lyrics by Vince, composed by Pipo Cifra), at Indie Movie Musical Scorer of the Year (Pipo Cifra).


Hmmm… sa dami ng nominasyong 'yan, hindi kaya nangangamoy-big winner na naman ang Katips sa 38th Star Awards for Movies?

FOUNDER NG KSMBPI, NABUDOL NG EX-KONSEHAL NG QC



Nakisimpatya ang mga kaibigang press people (kabilang na kami) ni Doc Michael Aragon, founder ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI), nang sabay-sabay naming malaman nu'ng Huwebes na "nabudol" ang kanilang organisasyon ng kausap at ka-deal nilang dating konsehal sa District 2 ng Kyusi.


Kung matatandaan, bilang chairman din ng Clean Air Philippines Movement Inc. (CAPMI), nagsagawa ang grupo ni Doc Michael ng isang advocacy concert-event last Nov. 30 sa Sct. Borromeo, QC titled Celebrities Atbp. Laban sa Climate Change bilang bahagi ng Clean Air Month nu'ng November.


Layunin nitong mapalaganap sa madlang pipol ang awareness tungkol sa climate change at ang masamang epekto nito sa ating kalusugan.


Kaugnay nito, nagkaroon sila ng dance-cosplay contest na ang nakuha nilang sponsor ay isa sa mga dating konsehal nga sa District 2 ng Kyusi.


Kuwento ni Doc Michael, minsan lang niyang na-meet ang nasabing konsehal na ipinakilala sa kanila ng partner nila sa Flash TV. Nag-face-to-face meeting sila at nag-pledge naman daw ang naturang konsehal na magdo-donate ng P70 K na papremyo para sa grand winner at 4 pang winners sa 4 na categories sa dance-cosplay contest.


Isang araw bago ang event nu'ng Nov. 30 ay ni-remind nila ang naturang konsehal, pero hanggang nu'ng mismong araw ng concert ay hindi na ito nagpakita o nagparamdam man lang.


At hanggang nu'ng Huwebes na dapat ay awarding ng winners, inasahan nila ang pagdating ng konsehal pero no show na talaga ito at hindi na rin makontak.


Ang ending tuloy, personal money ni Doc Michael ang ibinigay niya sa mga winners para lang 'di mapahiya ang KSMBPI at CAPMI.


So, for sure, lesson learned na ito kay Doc Michael na 'wag basta-basta magtitiwala next time.


Anyway, si Jolito Beral ang overall winner sa cosplay contest kung saan si SUN WUKONG ang napili nitong character at nag-uwi siya ng P30 K.


Tigti-P10 K naman ang naiuwi ng iba pang winners sa apat na categories na sina: Kean Juries as CHAINSAW MAN (Anime), Joren Dave Rivas as Dragon Wukong (Armor), Glenn Cuevas as Joker (Cloth) at Eliza Ann Pecaoco as Freya (Games).

Congrats to all the winners!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page