top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Nang mapunta kay Julia… GERALD, TUMANDA NA, NALAOS PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 26, 2022




Marami ang nakakapansin na ang laki-laki ng itinanda ng hitsura ngayon ni Gerald Anderson base sa mga larawan niya sa social media.


Nawala na raw ang dating tikas at kaguwapuhan ni Gerald na naging pang-akit niya noon sa mga unang nakarelasyon tulad nina Kim Chiu, Maja Salvador at Bea Alonzo.


Bawas na ang kanyang sex appeal kaya kay Julia Barretto na lang niya ibinubuhos ang kanyang atensiyon at panahon.


Hindi na rin siya gaanong mabenta bilang product endorser dahil sa issue niya ng “ghosting” kay Bea na hanggang ngayon ay nakatatak sa kanyang pagkatao.


Aware kaya si Gerald na unti-unti nang lumalamig ang kanyang career? Kung hindi pa siya magkakaroon ng TV show at pelikula, baka tuluyan na siyang mawala sa mainstream at hindi na pag-interesan ng publiko.


Dapat ay magparamdam at mag-ingay si Gerald kung gusto niyang isalba ang kanyang showbiz career.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page