top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nang manganak kay Ruffa… ANNABELLE: EDDIE, TUMAKAS PA-TATE KASAMA SI GLORIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 15, 2023


Pinatutsadahan ni Annabelle Rama sina Claudine Barretto at Angel Locsin during her eulogy sa last night ng wake ng dating manager ng dalawang aktres na si Manay Ethel Ramos sa Funeraria Nacional sa Araneta Avenue, Quezon City nu'ng Miyerkules (Sept. 13).


Kuwento ni Annabelle, naging magkaibigan sila ni Manay Ethel dahil sa kahahabol niya kay Eddie Gutierrez.


Kaya nga raw ang laging sinasabi sa kanya ni Manay Ethel (RIP), “Hoy, kung hindi dahil sa akin, walang Eddie Gutierrez sa buhay mo, ha!”


Nakilala naman ni Annabelle si Eddie Gutierrez dahil kay Manay Ethel, hanggang sa nabuntis siya ng noon ay sikat na sikat na aktor.


Kuwento pa ni Tita A, nagtago siya sa Cebu habang buntis kay Ruffa Gutierrez at nagprodyus ng Visayan film. Bawal daw kasi siyang dumispley-displey noon habang buntis at makitang kasama si Eddie.


Patuloy pa ng throwback na kuwento ni Tita Annabelle sa eulogy, ipinanganak niya si Ruffa sa Makati Medical Centre at pumunta naman daw ng Amerika si Eddie.


“Pagbalik ko sa Manila, nanganak ako sa Makati Med. Wala si Eddie, tumakas papuntang Amerika at kasama niya si Gloria Diaz,” pambubuking ni Annabelle kay Eddie.


Bago pumunta sa wake ni Manay Ethel ay nagtanung-tanong si Annabelle kung sinu-sino na sa mga dating alaga ni Manay ang dumating sa burol.


Sa unang gabi pa lang ay dumating na sina Aga Muhlach at Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. with his wife na si Congresswoman Lani Mercado.


And then, inisa-isa ni Annabelle na uriratin kung dumating ang iba pang former wards ni Manay Ethel gaya nina Elizabeth Oropesa, Claudine Barretto at Angel Locsin.


Sadly, hindi dumating sa last night ng wake ni Manay Ethel ang tatlong former wards niya.


“Mahina si Ethel. Sabi ko, ‘Hindi man lang magbigay ng abuloy. Wala nang ibang nagbigay ng abuloy.’ Ako nga, maski konti, nagbigay ako ng abuloy, ‘noh! Kasi magagalit ‘yan sa akin, eh.


“Basta ako, nakilala ko ang buong showbiz, artista at mga reporter, dahil sa kanya,” diin pa ng Gutierrez matriarch.


Lagi raw kasing sumasama noon si Annabelle sa mga ganap sa showbiz para makita at mabantayan si Tito Eddie. Lagi rin daw siyang tambay noon sa dating opisina ni Manay Ethel sa Burke Building sa Escolta kung saan nakilala ng ina ni Ruffa ang Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde na sumisigaw-sigaw.


Huling nakausap ni Annabelle si Manay Ethel bago nag-pandemic. Doon nabanggit ni Manay na nahulog siya sa hagdan. Sinabihan niya ang dating manager nina Aga, Claudine, Angel at Ina Raymundo na mag-ingat at mahirap maospital.


Pagkatapos noon ay hindi na sila nagkausap ni Manay Ethel dahil naging busy na raw si Annabelle sa pagdarasal na huwag silang magkaroon ng COVID ni Eddie.


“Nagkulong kami sa bahay. Wala akong kinakausap maski isang reporter. Dasal ako nang dasal dahil halos lahat ng kaibigan ko, namatay sa COVID,” diin pa niya.


Kaya sobrang thankful siya na ‘di sila nagkaroon ng COVID ni Tito Eddie.


“Fresh na fresh,” turo niya sa mister. “Galing sa stem cell ‘yan,” pagbubuking pa nito.


Alam na this!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page