top of page
Search
  • BULGAR

Nang manalong Best Actress… JULIA AT LIZA, INGGIT LANG DAW KAY KATHRYN KAYA IN-UNFOLLOW SA IG

ni Beth Gelena @Bulgary | June 14, 2024



Showbiz news

Ang daming nagtatanong kung bakit in-unfollow ng dalawang aktres na sina Liza Soberano at Julia Barretto sa Instagram ang kapwa nila aktres na si Kathryn Bernardo? 


Ayon naman sa mga netizens, since January pa raw ay naka-unfollow na si Kathryn sa dalawang aktres. 


Sey ng mga netizens, "Daming nakaka-unfollow ni Julia, ah, LOL (laugh out loud).”


“Hindi naman sila close, so…”


“May peace of mind ka pa? Kahit wala namang ginagawa ‘yung dalawa kay Kath.”


“Pina-follow ba before? Sabay ba nag-unfollow? Friends ba sina Julia at Liza?”


“Sa It Girls noon, silang tatlo nina Liza, Julia, Janella (Salvador) ang naging friends talaga.”


“Dating BFF ni Alora si Julia, now BFF na ni Kath. Kina Liza and Janella, walang konek except isinabit si Liza ng mga KathNiel fans kay Daniel (Padilla) which is highly doubtful. If it gives

Kath a sense of security, pabayaan na.”


“Matagal na silang in-unfollow, ngayon lang sila nag-unfollow?”


“Si Kathryn unang nag-unfollow nu’ng kasagsagan ng DJ issue kaya nga sila nadawit.”


Hirit naman ng ibang netizens, “Alam ko ‘to! Haha. ‘Yung araw na nabigyan ng Best Actress award si Kathryn sa A Very Good Girl, ‘yung time na in-unfollow siya ng 2 na ‘to. Inggit yarn??”


“J and L unfollowed K around the last week of May. I know because I’m a fan of It Girls.”


“Anyways, si Kathryn pa rin naman hanggang ngayon ang nangingibabaw sa 3.”


“What’s the point pa ba kung i-follow nila si Kathryn? Eh, binahiran na sila ni Kathryn ng kanegahan dahil du’n sa inili-link sila sa ex-love team. Sina Julia at Liza kuno talaga ang type ni D. Masyadong maarte kasi ‘yan si Kathryn.”


Ano kaya'ng reaksiyon ni Kathryn dito? 


 

Ibinida ni Ruffa Gutierrez ang singing video ng anak na si Venice Bektas.


Sa Instagram ng former beauty queen ay ipinost niya ang video ng jamming nila ng anak na kumakanta ng Billie Eilish song na L'amour De Ma Vie.


Ani Ruffa, “The voice of an angel. My beautiful Venice, it's your turn to shine.!!”

In fairness, may boses si Venice. Viral ang nasabing video na ipinost ni Ruffa dahil may talent si girl sa singing. 


Komento nga ng mga netizens… 


“Wow, napakaganda ng boses.” 


“So beautiful talaga nitong bata na ‘to.”


“Great voice! Buti na lang nagmana sa 'yo, girl!” 


“Ang pretty na, tapos ang galing-galing pang kumanta!”


Hindi kaya pasukin ni Venice ang music industry? 


Just asking... 


 

PINURI ni Jake Ejercito ang kagandahan ng anak na si Ellie Ejercito sa kanyang Facebook account. 


Ugali na ng aktor na kapag nag-uusap sila ng anak ay ipino-post niya ang kanilang conversation, kaya sa kanyang Facebook account ay may post siyang #JEllieConvos.

Ini-screenshot niya ang sagot ng anak sa Instagram (IG) Story nito kung saan naka-display ang lovely snap nito.


Pinuri ni Jake ang kagandahan ng anak, “So pretty, my love, you look like me.”


Walang natanggap na sagot ang aktor mula sa anak. Naghintay siya hanggang 18 hours at nang wala pa ring reply si Ellie ay muli siyang nag-message.


Ang larawang idinispley ng 12-year-old na si Ellie ay ang kanyang stunning black-and-white selfie.


Muling nag-post ng hilarious caption si Jake, “Baka bago mag-24 hours?”


Naaliw ang mga netizens sa mag-ama. 


Anila,“Pa-update na lang po ‘pag sumagot na si Ellie.”


“Biktima ng seen.”


“18 hours pa lang na-seen my love.”


“Hahahahahaa Ellie nonchalant.”


“Seenzone ka, daddy.”


Parang kailan lang ay baby pa si Ellie, ngayon ay isa nang magandang dalagita at ang laking bulas ni girl, huh?


Very thankful si Jake kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo dahil maganda ang pagpapalaki nila kay Ellie. 


Higit sa lahat, itinuring ni Philmar na eldest daughter nila ni Andi si Ellie. May dalawang anak sina Andi at Philmar — sina Lilo at Koa. 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page