top of page
Search
  • BULGAR

Nang mahiwalay kay Richard… “I’M VERY BLESSED” - SARAH

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Abril 6, 2024




“I’m very, very blessed,” ang statement na binitiwan ng nagbabalik-acting na si Sarah Lahbati na mapapanood na natin sa action-packed series ng TV5 na Lumuhod Ka Sa Lupa simula sa April 8, 2:30 PM after Eat… Bulaga!. 


Bukod nga kasi sa bagong series ni Sarah, sunud-sunod din ang natatanggap niyang endorsements ngayon at may naka-line-up pa siyang international project na sisimulan na niya soon. 


Of course, happy si Sarah na ang dami niyang ginagawa ngayon lalo’t aminado naman siyang being a single mom na, kailangan niyang mag-work para sa dalawang anak na sina Zion at Kai. 


Though hindi naman sinabi ni Sarah na hindi nagbibigay ng sustento ang estranged husband na si Richard Gutierrez, sa pagkakaintindi namin sa sinabi niya ay ayaw niyang umasa kay Chard. 


Siyempre nga naman, kung nagbibigay man ng sustento si Richard, para sa dalawang bata lang at ‘di naman siya kasama ru’n kaya she needs to work hard talaga.


Anyway, sanay na raw si Sarah sa mga intriga lalo ngayong nagbabalik-showbiz na siya dahil kahit naman daw nu’ng ipinanganak niya si Zion, ayaw na siyang lubayan ng intriga, pero hindi naman daw siya nagpapaapekto sa mga ito. 


Hindi rin daw madaling magalit si Sarah kaya nga nu’ng ask namin siya kung ano’ng puwedeng mag-trigger sa kanya para masabi sa isang tao ang “Lumuhod Ka Sa Lupa”, ang sagot niya ay “Bahala na siya,” na tipong ipauubaya na lang niya kay Lord ang gagawa ng masama sa kanya. 


Anyway, first time magtatambal nina Sarah at Kiko Estrada sa Lumuhod Ka Sa Lupa pero ‘di naman daw sila nahirapang mag-adjust sa isa’t isa dahil nag-get to know each other naman sila bago kinunan ang kanilang mga eksena. 


Pareho namang um-agree ang dalawa na “irresistible” ang isa’t isa pero kung made-develop ba sila lalo’t pareho silang single ngayon, abangan na lang natin dahil ani Kiko, work ang priority niya, same with Sarah. 


Kasama sa cast ng Lumuhod Ka Sa Lupa sina Gardo Versoza na gumaganap na main kontrabida, Mark Anthony Fernandez, Rhen Escano, Bart Guingona, Jeric Raval, Jeffrey Hidalgo, JC Tiuseco, Andre Yllana, Andrew Muhlach, Ana Abad Santos at Joko Diaz. 


Ang Lumuhod Ka Sa Lupa ay obra ni Direk Carlo J. Caparas at mula sa direksiyon nina Albert Langitan at Roderick Lindayag.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page