top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nang mag-guest sa show niya… BOY, INIWASAN ANG YAKAP NI BEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 13, 2024
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 13, 2024


Showbiz Photo
Photo: Bea Alonzo & Boy Abunda / FB

Napakagandang gesture ang ginawa ng aktres na si Bea Alonzo na magkaharap at mainterbyu siyang muli ni King of Talk Boy Abunda sa kanyang programa na Fast Talk with Boy Abunda last Thursday.


Marami ang nag-aabang kung magpapainterbyu bang muli si Bea kay Kuya Boy pagkatapos ng isyu na may kinalaman sa breakup nila ng ex-fiancé niyang si Dominic Roque.


Dahil may bagong teleserye si Bea sa GMA-7, ang Widows' War (WW), naging palaisipan sa mga netizens kung magpo-promote ang aktres sa Fast Talk with Boy Abunda at nasagot ang agam-agam ng mga netizens nu’ng umapir na nga si Bea.    


Nalurky for sure ang mga televiewers nu’ng akmang yayakapin ni Bea si Kuya Boy ay biglang tumigil sa kanyang kinatatayuan ang TV host at iniwasan ang pagyakap ng aktres. Pagkaupo ay du’n nagsalita si Kuya Boy at humingi ng “consent” kay Bea bago sila nagyakapan.


To refresh everyone, ang salitang “consent” ang ginamit ni Bea sa pagbabalita ni Kuya Boy sa hiwalayan at pagkansela ng kasal nila ni Dominic. Kaya siguro ibinato ni Kuya Boy kay Bea ang salitang “consent” bago sila nagyakapan.


Sey ng mga netizens, “Ibig sabihin, friends sila at may consent @ogiediaz.”


“O, ayan! Si Ogie lang at Cristy ang idedemanda! Bati sila ni Tito Boy. Bwkwkwkw.”   


Of course, ang tinutukoy na Ogie at Cristy sa comments ay ang mga batikang manunulat na sina  Cristy Fermin at Ogie Diaz na pawang sinampahan ng kaso ni Bea.


Pero bago pa magkaroon ng mga negative reactions, ise-share namin ang nakuha naming information from a reliable source kung ano ang nangyari kina Bea at Kuya Boy bago sila sumalang sa ere.


Bago ang  live interview sa Fast Talk, nag-usap daw muna sina Kuya Boy at Bea. Isang closed-door meeting daw muna ang naganap. Para nga naman kapag sumalang na sila sa live airing, walang bahid ng awkwardness on cam sina Bea at Kuya Boy. Kaya naman, kitang-kita sa tawanan nu’ng dalawa na okey na ang lahat between Kuya Boy and Bea.

It’s a good thing they did that before ng live interview. Konting pag-uusap na totoo at yakap na mahigpit lang ang katapat, ‘di ba? Lusaw lahat ang kung anumang negative feelings.


Samantala, kapuri-puri talaga ang husay ng award-winning director ng drama-suspense-thriller na Widow’s War na si Zig Dulay. 


May nagsasabi na mabuti na lang at sa WW napunta si Direk Zig. Ang tindi ng mga eksena ng  cast members especially Bea at Jean Garcia, bigayan at walang lamunan na naganap.


At nakaka-ilang linggo pa lang ay marami na ang namatay sa WW, ha?

Ang dami-dami pa raw mangyayari at pasabog sa serye. Parang world war daw ang mga susunod na episodes.   


At ang shot ng mga location sa bawat scene, bonggacious! Grabe raw ‘yung requirement ni Direk Zig sa twin mansion. Iba talaga ang vision niya.


We heard na ang daming disapproved location. Pero worth it naman nu’ng nahanap na ‘yung gusto niya.


No wonder ang happy ni Bea sa kanyang bagong serye. May ningning na ulit ang mga mata ng aktres. Kaya naman lalo pang gumanda si Bea ngayon dahil sa happiness niya on her career pati na sa kanyang personal life.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page