top of page
Liza Soberano - IG.jpg

Nang lumipat mula sa ABS-CBN… JOLINA, P1 BILYON ANG TF SA GMA-7

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 11, 2026



Jolina Magdangal - IG

Photo: Jolina Magdangal - IG



Ang laki pala ng ibinayad kay Jolina Magdangal noong pumirma siya ng kontrata sa GMA Network noong 2001 mula sa pagiging Kapamilya talent sa ABS-CBN. 

From a very reliable source, tumataginting na P1 billion ang naging talent fee (TF) ni Jolens!


Pero hindi naman ito sa loob lang ng isang taon. Marami naman siyang ginawang proyekto sa Kapuso Network.


Nabigyan siya ng malalaking shows. Ang una niyang serye sa Kapuso Network ay ang Kahit Kailan. May telebabad series din siyang ginawa tulad ng Narito ang Puso Ko.

Nakasama rin ni Jolina ang mga OPM legends na sina Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Francis Magalona at Freddie Aguilar sa kantang (Tara na) Biyahe Tayo!. 


Nag-host din siya sa StarStruck at SOP, ganoon din sa Unang Hirit. 

Nag-reunite naman sila ni Marvin Agustin sa programang I Luv NY at Dear Friend.

Well, pumaldo pala si Jolens noong nasa GMA siya. Kaya naman marami ang nagtatanong kung magkano kaya ang talent fee niya ngayon sa sitcom na Mommy Guard na ipinalalabas sa TV5. 


For sure, hindi naman bumaba ang premium ni Jolina, lalo na’t may malalaki siyang endorsements.





Aktres, sobrang spoiled mula nang magkabalikan… KASALANG KRIS-KATRINA, INAABANGAN NA



MATAPOS nilang aminin sa publiko na nagkabalikan na sila, ang hinihintay ngayon ng madlang people ay kung kailan naman kaya mauuwi sa kasalan ang muling pag-iibigan nina Katrina Halili at Kris Lawrence.


Excited na ang anak nilang si Katie, gayundin ang kanilang mga fans. 

Ine-enjoy muna nina Katrina at Kris ang kanilang bonding kapag abroad. Pero iba pa rin daw kung sila ay magpapakasal na, magiging legal na ang pagiging buo ng kanilang pamilya at may basbas na rin ng Simbahan.


Noong sumali nga sina Katrina at Kris sa programang The People Have Spoken, nagbiro si Heart Evangelista na kapag sila ang nanalo, senyales na iyon na puwede na silang magpakasal. At silang dalawa nga ang nagwagi.


Marami namang netizens ang nakapansin na sobrang spoiled ng Kapuso actress kay Kris. Madalas na binibilhan nito si Katrina ng mga gamit at gadgets. 


Ang aktres naman, sobrang clingy at halos ayaw nang humiwalay kay Kris kapag sila ay magkasama.





Tiger Shark daw ang tawag sa kanya…

KAKAI, TANGGAP NA ‘DI MAGANDA KAYA ‘DI NAGING BIDA 



DAHIL madalas siyang ma-bully noong bata pa dahil hindi kagandahan, sinikap ng singer-aktres na si Kakai Bautista na mag-focus sa kanyang talent sa pagkanta.

Bago pa siya nabigyan ng puwang sa showbiz ay naging bahagi siya noon ng mga stage plays. 


Hindi na siya naghahangad na maging bida. Tanggap na raw niya na para lang sa magaganda ang lead role. 


At nang mabigyan siya ng chance sa showbiz, hindi na niya pinangarap na mabibigyan siya ng magagandang projects.


Noong high school daw kasi ang singer, madalas siyang tawaging ‘Tiger Shark’.

Ganunpaman, masaya na si Kakai Bautista kung anuman ang kanyang narating. At hindi na rin niya iniisip na magkakaroon siya ng love life. Masaya siya sa pagiging single at wala na siyang balak na mag-asawa at magkapamilya.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page