top of page
Liza Soberano - IG.jpg

Naging dyowa raw ng aktres habang buntis sa anak ng aktor… ANDREI, NAPATAKBO, TODO-IWAS SA PAGKADAWIT KINA JENNYLYN AT PATRICK

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 11, 2026



Andrei Felix at Jennylyn Mercado - IG

Photo: Andrei Felix at Jennylyn Mercado - IG



Mabilis na tumakbo si Andrei Felix pagkarinig pa lang ng pangalan ni Jennylyn Mercado. Nangyari ‘yan sa Tara sa Paskong Kapatid Thanksgiving Party ng TV5 na ginanap sa Grand Hyatt Manila Ballroom last Monday.


Nakita namin si Andrei sa labas ng ballroom at nagpaalam kung puwede namin siyang mainterbyu ni Ateng Janiz Navida, ang aming ever-gorgeous editor dito sa BULGAR. (Huwooow, ha? Big word.  Char! - JDN) 


Pumayag ito pero nagpaabiso na sandali lang ang interview dahil kailangan niyang pumunta agad sa backstage.


Kaso, hindi pa man natatapos ni Ateng Janiz ang tanong niya tungkol sa reaksiyon ni Andrei sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa kontrobersiya nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, na ikina-react ni Dennis Trillo, ay kumaripas na agad ng takbo ang former VJ-TV host.


Aba, eh, ilang salita pa lang ang nasasabi ni Ateng Janiz, kasunod ang pangalan ni Jennylyn ay bigla na itong nag-excuse at tumakbo papunta sa backstage. 

But in jest naman ang ginawa ni Andrei.


After a while ay nakita ulit namin si Andrei habang kausap ang isa pang kolumnista ng BULGAR na si Melba Llanera. Nagpapaliwanag ito kay Melba kung saan siya naroroon noong pumutok ang isyu nina Patrick at Jennylyn at nadawit ang name niya.


Ang isyu kasi ay nagkaroon diumano ng relasyon ang aktres kay Andrei habang ipinagbubuntis ang anak niya kay Patrick.


Depensa ni Andrei, nasa ibang bansa siya noong pumutok ang isyu kaya wala siyang alam sa nangyari sa dalawa. 


At pagkatapos, muli siyang umiwas sabay takbo pabalik sa kanyang holding area sa hotel.


Si Andrei ay isa sa mga newscasters ng Frontline Pilipinas Weekend ng TV5.





NAGBABALIK ang QCinema International Film Festival sa kanilang ika-14 na taon. Tampok ang malawak at natatanging selection ng mga pelikula mula sa loob at labas ng bansa under the banner of Genre’teurs.


Tinutuklas ng konsepto ng curatorial ang intersection ng genre filmmaking at auteur cinema.


Ang pagdiriwang ay patuloy na nagbibigay-pugay sa pagkilala sa Quezon City bilang isa lamang sa dalawang lungsod sa Timog-Silangang Asya na nakatanggap ng pagtatalaga ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) Creative City of Film.


Leading this year’s lineup ay ang world premiere ng Ella Arcangel: Ballad of Tooth and Claw (Awit ng Pangil at Kuko), the highly anticipated animated feature directed by Mervin Malonzo.


Ang Ella Arcangel ang magbubukas ng festival with a distinctly Filipino vision of the supernatural, social realities, and the monsters that inhabit both.


Halaw mula sa komiks ni Julius Villanueva, ang Ella Arcangel: Ballad of Tooth and Claw ay tungkol sa 12-anyos na si Ella (isinaboses ni Bianca Umali), isang batang mambabarang na nakikipaglaban sa masasamang espiritu habang kinakaharap ang karahasan at pang-aabuso sa awtoridad na sumasalot sa kanyang komunidad sa gitna ng giyera ng gobyerno laban sa droga. 


Ang pinakaaabangang animated film na ito ay ginawaran ng P1.5-million QCinema Project Market (QPM) Philippines Co-Production Grant noong 2023.

Ang closing film naman ng QCinema Film Festival ay ang Look Back, ang live-action adaptation of Tatsuki Fujimoto’s acclaimed manga, directed by Japanese master filmmaker Hirokazu Kore-eda.


Starring Natsuki Deguchi as Fujino and Aju Makita as Kyomoto, ang pelikula ay sumusunod sa dalawang batang artista, na ang pagkakaibigan at ibinahaging pagmamahal sa pagguhit ay humubog sa kanilang buhay at mga malikhaing paglalakbay.


The film premiered in competition at the 83rd Venice International Film Festival, where it won five collateral awards.


Magsisimula ang 14th edition of the QCinema International Film Festival on November 13 to 22 with screenings at Gateway Cineplex 18, Robinsons Movieworld Galleria, Ayala Malls Cinemas TriNoma, Fisher Box Office, and SM Cinema – SM City Fairview.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page