Kahit kumalat ang picture nila ng anak ni Ramon Ang… “WALA AKONG BOYFRIEND” — ATASHA

Updated: 30 minutes ago
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 11, 2026

Photo: Atasha Muhlach - IG
Nakausap namin si Atasha Muhlach sa TV5 Thanksgiving party. Balik-Eat… Bulaga! na raw siya since last week dahil natapos na nga ang Annie Batungbakal The Musical stageplay na pinagbidahan niya.
Mas blooming ngayon ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales kumpara nu’ng una namin itong nakita nang personal. Mas sumeksi rin si Atasha dahil pumayat.
Aniya, career pa rin daw ang priority niya mula noon hanggang ngayon.
Kaya naman na-curious kaming itanong kung paano niya naba-balance ang career at love life dahil matagal na nga siyang nali-link sa bunsong anak ni Ramon Ang na si Jacob Ang. May mga kumalat pa ngang photos nila noon na magkasama sa family events.
Natawang sagot ni Atasha, “Actually, sinasabi ko na palagi po, work talaga ang priority ko kasi ito po ‘yung dream ko nu’ng bata pa and the fact na nandito po ako ngayon, I don’t wanna take it for granted talaga. I’m happy to be living my dreams right now.”
So, understanding si boyfriend?
Diretsong pagdidiin ni Atasha, “Wala po akong boyfriend. Wala, wala po!”
So, friends nga lang ba sila ni Jacob Ang o break na? Hmmm…
SUPORTADO ng mga TV5 stars ang ginanap na Tara sa Paskong Kapatid Thanksgiving Party sa Grand Hyatt Manila Ballroom nu’ng Lunes ng hapon, na inabot na ng gabi.
Sa pangunguna ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan, kasama sina Mr. Victorico P. Vargas, President and Chief Executive Officer (CEO), and Ms. Chaye Cabal-Revilla, Officer-in-Charge (OIC), mainit nilang winelkam ang lahat at pinasalamatan sa pagiging partner sa tagumpay ng Kapatid Network sa buong taong 2026.
Pinasaya naman ng mga hosts ng Eat… Bulaga! na sina Joey de Leon, Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Atasha Muhlach, Miles Ocampo, Caren Eistrup at Ian Red Hidalgo ang audience sa hatid nilang fun and entertainment.
Nag-perform din sina Concert Queen Ms. Pops Fernandez, Jed Madela at Angeline Quinto (for A.S.A.P.), Janella Salvador at Iñigo Pascual (ng The Good Doctor), River Joseph, Dylan Menor, Ryle Santiago, Joao Constancia at marami pang ibang talents ng TV5.
Nakisaya rin ang cast ng Mommy Guard series na sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Roxanne Guinoo at Dominic Ochoa.
Present din ang mga hosts ng Kapatid Network na sina DJ Chacha, DJ Laila Chikadora, Andrei Felix, Cheena Crab at MJ Marfori, at ang ilan pang celebrities tulad nina Enrique Gil, Tony Labrusca at James Blanco.
Marami ang natuwa at na-excite nang marinig na magpapa-raffle si Sir MVP ng P25K, P50K at P100K bukod sa mga minor raffle prizes.
Kaya lang, mas marami sana ang umuwing masaya kung hinati-hati na lang ‘yung grand prize na P100K, devah?
Haping-hapi raw ang puso niya…
JANELLA, MANGGUGULAT SA KASAL NILA NI KLEA

Janella Salvador at Klea Pineda - Instagram
NA-INTERVIEW din namin sa Tara sa Paskong Kapatid event ang hot and fiery actress na si Janella Salvador na leading lady pala ni Iñigo Pascual sa first-ever teleserye niya sa TV5, ang The Good Doctor.
Mas pumayat din ngayon si Janella at sa ganda ng katawan niya, ‘di mo iisiping mommy na.
Nabanggit pa nga nito na soon ay may pasabog siya, as in may sexy pictorial siyang lalabas, pero hindi naman daw for FHM na nagbabalik na nga rin.
Natanong naman namin si Janella kung nako-consider ba nila ng kanyang rumored GF (siyempre, ‘di pa rin sila direktang umaamin, ‘di ba?) na si Klea Pineda kung napag-uusapan nila ang kasal? Very open na rin kasi sila sa social media ng kanilang closeness at happiness being together. Very vocal din naman si Janella na masayang-masaya ang puso niya ngayon.
“Siguro in the future, if I feel comfortable sharing that aspect, I will, ‘di ba?”
Hindi pa nila napag-uusapan ni Klea ang kasal?
Natawang sagot ni Janella, “Makikita n’yo na lang. Lagi naman kayong nagugulat sa akin.”
So, ayun na! Gulatan na talaga ang uso ngayon. Hahaha!
PROUD na proud naman ang Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. founder at co-talent manager ng Viva artist na si Lance Raymundo na si Doc Mike Aragon na international star na rin ang younger brother ni Rannie Raymundo tulad ng mga una nang gumawa ng pangalan sa labas ng bansa na sina Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Alex Eala, Apl.de.Ap at Olivia Rodrigo.
Kilala na rin kasi at in demand na pageant host sa mga international beauty contests at iba pang malalaking events abroad ang singer.
Ilan sa mga big events na naging host si Lance ang Miss Universe India, Miss Grand Bangladesh, Miss Teen Universe sa Colombia, Miss Teen International sa Cambodia, at Mister India Universe.
Sa kanyang pagbabalik mula sa iba't ibang internasyonal na proyekto, ilalabas ni Lance sa Pilipinas ang kanyang single para sa Kapaskuhan — isang electropop na bersiyon ng Silent Night sa ilalim ng Viva Records, sakto para sa panahon ng Pasko.
Abangan din ang kanyang gaganaping thanksgiving concert sa Viva Cafe ngayong Disyembre 2026.
Makakasama niya sa konsiyertong ito ang kanyang kapatid na isa ring celebrity—ang sikat na mang-aawit ng Philippine Pop noong dekada '90 na si Rannie Raymundo—pati na rin ang 2013 Bb. Pilipinas Grand Queen, singer at Viva artist na si Ali Forbes, kasama ang aktres-singer ng Viva na si Chase Romero.
Itatampok din sa thanksgiving concert ni Lance sa Disyembre, 2026 ang PARFUM, ang pinakabagong P-Pop girl group na Viva Artists Agency (VAA) talents na rin.






Comments