top of page
FRANKLY - LISENSIYA NI BINI MIKHA, SINUSPINDE, SUMUKO SA LTO_IG _bini_mikha _FB Circulated

Negosyante, nagbabala na… SAM, GINAGAMIT NG SCAMMERS PARA MANGHINGI NG PERA

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 11, 2026



Instagram - Sam Verzosa

Photo: Instagram - Sam Verzosa



Nagpaalala ang negosyante-pulitiko na si Sam Verzosa sa kanyang social media post tungkol sa mga hackers at pekeng accounts na nagpapanggap na siya.

Ani Sam, “PAALALA LANG PO! (pray emoji).


“Hi, everyone! Just a quick reminder na mag-ingat po tayo sa mga hackers at fake accounts at messages na nagpapanggap na ako.


“Kung makatanggap po kayo ng message gamit ang pangalan ko at gamit ang ano mang social media accounts ko, humihingi ng pera, personal information, o anumang pabor, please verify muna bago mag-reply.


“‘Wag pong basta maniwala o magpadala ng kahit ano. Maraming salamat po sa inyong pag-iingat at patuloy na suporta. Ingat tayong lahat!”


In fairness, tama si Sam. Mas mabuting mag-verify muna bago maniwala. ‘Di ba naman, madlang pipol?





Superhero raw talaga…

BIANCA AT 14 PANG PINSAN, MAG-ISANG PINALAKI NG LOLA NILA SA IISANG BAHAY



“LOLA ko ang superhero ko,” pahayag ng aktres na si Bianca Umali sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa YouTube (YT) vlog na Toni Talks.


Ibinahagi ng aktres na ang kanyang lola ang nagsilbing gabay niya matapos siyang maulila sa kanyang mga magulang.


“Iba rin ang pagmamahal ng lola ko. That’s why, I would always say na lola ko ang superhero ko. Kasi kung wala po s’ya, I wouldn’t be where I am. And it wasn’t just me. Sa ilalim ng bubong ng lola ko, she was taking care of 15 na apo. Lahat po kami, mga babae. So parang naging bahay-ampunan ng mga babae ‘yung setup.


“Sa bahay namin po, we did not have any help. Rotation po kami sa chores. We had schedules. That was how we were brought up,” kuwento ni Bianca.


Matatandaang limang taong gulang pa lamang si Bianca nang pumanaw ang kanyang ina dahil sa breast cancer. Nasundan naman ito ng pagpanaw ng kanyang ama nang siya ay 10 taong gulang pa lamang dahil sa heart attack.


Mula noon ay sa pangangalaga na ng kanyang Lola Vicky siya lumaki, kasama ang iba pa niyang mga pinsan.

In fairness, saludo si yours truly sa lola ni Bianca na nag-alaga at nagpalaki ng 15 na apo. 

SSS, as in super sa sipag at pagmamahal.





Madir at padir, bitbit din…

PAULEEN AT BUONG PAMILYA, SA JAPAN NAG-CELEBRATE NG 9TH B-DAY NI TALI



IBINAHAGI ng aktres-TV host na si Pauleen Luna-Sotto sa isang social media post ang kanilang ‘di malilimutang bakasyon sa Japan kasama ang kanyang mommy at daddy at ang buo nilang pamilya ni Bossing Vic Sotto bilang pagdiriwang sa ika-9 na kaarawan ng panganay nilang anak si Talitha Maria o mas kilalang ‘Tali’.


Ani Pauleen, “Just ended a super fun birthday celebration for our dear Ate, Tali! She was able to hit so many milestones on this trip. New food discoveries and new heights conquered! I am so glad we were able to do this with @marusotto @chat.luna dad and Andrew! Definitely one for the books!


“Japan, you were amazing, as always! Thank you Lord for this trip!”

Happy 9th birthday, Tali. More happy memories to come.





NAGBAHAGI ang aktres na si Isabel Rivas ng sweet birthday message para sa kanyang nag-iisang anak na si Richard Chua sa pamamagitan ng kanyang social media post. Nagdiwang si Richard ng ika-50 kaarawan noong Nobyembre 9.


Ani Isabel, “My heart’s singing the ‘Happy Birthday’ tune at the farm right now. I’m lost for words with excitement as I start my birthday greetings for my son, Rboy Chua, on his 50th birthday! 


“Happy, happy, happy birthday, my dearest son. So many happy thoughts in my mind. Gee, how I remember this day, preparing for the cesarean schedule (CS) at 7:30 AM. It’s a milestone for you and me, Rboy.


“50 years ago, on this date, November 9, 1976, I gave birth to you, my precious, loving son, Richard Emerson Y. Chua. I’m so proud to have a good son, husband, and father to your family. I’m proud of the boy I raised. I love every inch of you, my son Rboy, from conception, birth, now till Heaven.”


Ipinahayag din ni Isabel ang pasasalamat sa Diyos at sinabing mga panalangin at himala ang naging bahagi ng kanilang buhay sa loob ng 50 taon.


Anyway, belated happy 50th birthday, Rboy. More blessings and happiness to come.



‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page