Nang-isnab daw, 'prank' lang pala… HEART, DUROG NA DUROG DAHIL KINA DRA. BELO AT ALEX
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 18, 2022

Dahil sa lumabas sa vlog ni Dra. Vicki Belo na diumano ay inisnab siya at si Alex Gonzaga ni Heart Evangelista nang magkita sila sa Milan Fashion Week, bumaha ang komento ng mga bashers ni Heart.
Magkasamang dumalo sina Dra. Vicki at Alex sa Milan Fashion Show. Nasa Milan din si Heart kasama ang mga kaibigang stylists.
Nasentruhan ng mga bashers si Heart dahil hindi man lang daw niya binati sina Dra. Vicki at Alex nang magkita sila sa nasabing fashion event. Kaya todo-react ang marami at kung anu-ano na ang mga komento nila sa misis ni Sen. Chiz Escudero.
Feeling super-sikat na raw si Heart gayung dati naman silang nagkatrabaho ni Alex. At tiyak naman na kilala rin niya si Dra. Vicki Belo na mga sikat na artista ang kinukuhang endorser ng Belo Derm Clinic. Bakit daw nagawang isnabin ni Heart sina Dra. Vicki at Alex?
Well, hindi na nakatiis si Alex at idinepensa si Heart sa mga bashers. Sinabi rin niya na hindi totoong nagkita sila ni Heart sa fashion show sa Milan at walang isnaban na naganap. Naging biruan lang daw nila 'yun ni Dra. Vicki Belo.
Ganunpaman, marami ang nag-react at dinurog ng mga fans si Heart.
Hindi naman nakatutuwa na may ganitong senaryo. Hindi natutuwa ang mga fans ni Heart sa ginawang ito nina Dra. Vicki at Alex sa kanilang idolo. Bakit sa dami naman ng mga artista ay si Heart ang kanilang napiling gawan ng ganoong isyu?
Nag-sorry na ba sila kay Heart Evangelista?





Comments