Nanay ni Jake na ex ni Andi… LOTENG PAGLALAGYAN NG ABO NI JACLYN, IDINONEYT NI LAARNI
- BULGAR
- Mar 10, 2024
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 10, 2024

May ilang mga fans at viewers ang nagre-request sa GMA-7 na sana ay muling ipalabas ang guesting ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose sa longest-running gag show na Bubble Gang.
Marami ang naaliw sa paggaya ni Jaclyn sa ilang eksena ni Michael V. a. k. a. Bitoy. Hindi ma-imagine ng mga manonood na isang seryosong aktres na tulad ni Jaclyn ay may funny side rin pala.
Nakasabay siya sa mga jologs (punk) na cast ng Bubble Gang tulad nina Michael V., Betong Sumaya, Paolo Contis, Chariz Solomon at iba pa. Puwede rin pala siyang maging komedyante.
Anyway, dumating din at nakahabol sa kanyang huling burol ang bunso niyang anak na mula pa sa US na si Gwen Garimond at nakatulong ni Andi Eigenmann sa pag-aasikaso sa mga nakiramay sa kanilang pagdadalamhati.
Still on Jaclyn, marami pa ring mga celebrities ang dumating sa burol ng beteranang aktres tulad nina Dingdong Dantes, Alden Richards, Vilma Santos, Robin Padilla, Andrea Torres, Gina Alajar, Mikoy Morales at iba pa.
Marami rin ang nagtatanong kung dumalaw na ba ang Superstar na si Nora Aunor na nakasama ni Jaclyn Jose sa pelikulang Pieta.
Ito ang huling movie na ginawa ni Jaclyn kasama sina Gina Alajar at Alfred Vargas bago siya nawala.
Ang urn ni Jaclyn Jose ay sa Christ The King Columbary ilalagak ngayong Linggo (March 10) at nababalitaang si Laarni Enriquez na mom ni Jake Ejercito ang nag-donate ng lote ni Jaclyn sa Christ The King Columbary.
Samantala, dumating din ang BFF ng aktres na matagal nang naninirahan sa USA (United States of America), pero hindi nabanggit kung anong pangalan nito. Importante, nagpunta siya.





Comments