Nanay ng anak, iniwan na, sinaktan pa uli dahil sa interview… BECKY AGUILA KAY PATRICK: PASABOG MO, MARAMING KULANG AT DAGDAG

ni Beth Gelena @Bulgary | October 1, 2026

Photo: FB Circulated / YT Ogie Diaz Inspire
May open letter ang manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila para kay Patrick Garcia na may ibinulgar sa totoong nangyari noon sa kanila ng aktres at kung bakit hindi na niya nakakasama ang anak na si Alex Jazz.
Aniya, “Hi, Patrick. Long time no see or talk/text. Nakakabigla naman ang pasabog mo. I am posting this, not as Jen’s manager, but as her second mom.”
Tanong ng manager, “Why did you have to resort to an interview? Kahit wala na si Tita Lydia (ina ng aktres), nandito pa naman ako.”
Buong pahayag ni Becky, “Ayokong makasakit at makasira ng image pero nasasaktan ako for Jen. Sa dami ng pagkukulang mo kay Jen lalo na kay Jazz, mas inintindi mo pa magpa-interview to protect your daughter from bashers at the expense of Jen and Jazz. Nakalimutan mo yata that she is the mother of your child.
“May concerns ka pala. Sana, nag-reach out ka na lang sa ‘kin at maayos nating nailatag ‘to with Jen and Dennis at madali naman silang kausap.
“There are a lot of things you did to hurt her, and never n’ya ikinuwento ‘yun sa iba bilang respeto sa ‘yo at dahil tatay ka ng anak ninyo at para sa pamilya mo rin na nananahimik na. Pero lahat ‘yun, naalala ko.
“Pasensya na, Patrick pero ‘yung truth mo, maraming kulang at dagdag. Nanahimik na ang nanay ng anak mo, binuhay mo ulit ang issue and this is all on you.
“I hope na nakatulong nga ‘to sa daughter mo. And hopefully, you are satisfied with all the things you’ve done.
“All I can say is that you never deserved Jen’s love in the first place. And you will never earn my respect.”
Komento naman ng mga netizens:
“‘Di lang ‘yan maka-move on, Tita, na nasa maayos na buhay ngayon si Ate Jen. ‘Di n’ya matanggap na s’ya palubog habang si Ate Jen ay masaya na sa buhay at successful ang love life. Baka deep inside, kay Pat, may panghihinayang siguro sa part n’ya. “Baka nga minsan, ini-imagine pa ni Pat na what if, nasa puwesto s’ya ni Kuya Dennis. Hahaha! Ganyan talaga ‘pag may regrets sa past, maraming ‘what ifs’ na ‘di n’ya lang maamin. Kaya ‘yan, nag-iingay para mapansin.”
“Thank you so much po sa pagsasabi ng katotohanan, ‘di deserve ni Jen ang love ni Patrick. Totoo ‘yan.”
“Buti na lang at nand’yan pa ang second mom ni Jen.”
“We love you, Ate Jen. And thank you, Tita Becky for always protecting our Ultimate Star. She deserves all the love.”





Comments