Nanay at 8-anyos, tigok sa sunog

ni Maeng Santos @News | November 10, 2026

Photo: Sunog sa Brgy. 7 Caloocan - Arcal Chiz FB Live
Todas ang 50-anyos na ina at walong taong gulang niyang anak na babae habang sugatan naman ang kanyang mister at binatilyong anak sa naganap sa Caloocan City, Lunes ng madaling-araw.
Sa ulat ni BFP investigator FO1 Samuel Rentillo Jr. kay Caloocan BFP Chief F. Supt. Jacky Ngina, nagsimulang sumiklab ang apoy alas-3:50 ng madaling-araw sa isang bahay sa Velasco St., Brgy. 7.
Agad na itinaas sa unang alarma ang sunog alas-3:59 ng madaling-araw na mabilis na nirespondehan ng may 25 firetrucks, kabilang ang mga fire volunteers kung saan alas-4:46 nang ideklara itong under control at tuluyang naapula alas-5:25 ng madaling-araw.
Natagpuan ang bangkay ng isa sa nasawi sa dulong bahagi sa 2nd floor habang sa unang palapag na nakita ang isa pa nang bumagsak na ang sahig ng nasunog na bahay.
Isinugod naman sa pagamutan ang 49-anyos na mister at edad 13 nilang anak na lalaki na nagtamo ng mga sugat sa katawan.
Umabot sa 23 pamilya ang naapektuhan ng sunog habang inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog na tumupok sa tinatayang P200K halaga ng ari-arian.





Comments