top of page

Nanawagan sa mga opisyal ng gobyerno… SEN. ROBIN: ‘WAG GAMITIN ANG PONDO NG BAYAN SA PERSONAL NA INTERES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 14, 2025



Photo: Robin Padilla - FB


Nag-share ang senador at aktor na si Sen. Robin Padilla ng kanyang saloobin tungkol sa pagdalaw sa kanya ng mga anak ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor (RIP) at nagbahagi rin siya ng makabuluhan niyang araw sa Senado.


Dumalaw ang aktres na si Lotlot De Leon kasama ang kapatid na si Kenneth De Leon kay Sen. Robin sa Senado noong August 11, 2025.


Saad ni Sen. Robin, “Isa na naman pong makabuluhang araw sa Senado.

“Isang kagalakan pong mabisita ng mga anak ng nag-iisang Superstar at Pambansang Alagad ng Sining, Gng. Nora Aunor, upang kumonsulta at makipag-ugnayan sa atin. Binisita rin po tayo ng ating mga kapwa lingkod-bayan mula sa Philippine Air Force.


“Tayo po ay nagtungo rin sa Session Hall upang talakayin ang mga isyu patungkol sa healthcare system ng bansa. Ako po’y nananawagan sa mga opisyal ng gobyerno na ‘wag gawing personal na pakinabang ang pondong nakalaan para sa kalusugan ng ating mga kababayan. Ang bawat sentimo nito ay dapat gamitin para sa serbisyong medikal at maayos na pangangalaga para sa lahat.


“Matapos ang sesyon sa plenaryo, nakipagdiskusyon naman po ako sa aking mga staff ukol sa mga panukalang batas na kasalukuyan nating isinusulong.


“Nagsagawa rin po tayo ng mga panawagan kaugnay sa mga usaping nais nating tugunan

para sa kapakanan ng ating mga kapatid na Muslim.


“Isang produktibong araw para sa kapakanan ng bayan. Maraming salamat po sa inyong tuluy-tuloy na suporta.”


Nagpapasalamat ang mga Noranians sa pagmamahal at pagmamalasakit ni Sen. Robin Padilla sa namayapang Superstar na si Ate Guy.


Kahit tumira pa raw siya sa kalye…

JOEY, AYAW MAGING PABIGAT SA MGA ANAK


NAKAKATUWA ang kuwentuhan na naganap nang mag-guest ang dating basketball player at aktor na si Joey Marquez sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan lang.


Sa umpisa pa lang ng show ay sinabi na agad ng mahusay na TV host na si Boy Abunda na guwapo pa rin si Joey at hindi nagbabago.


Sa unang tanong ni Boy, “‘Pag sinasabihan kang guwapo, ano ang reaksiyon mo?”

Sinagot naman ni Joey ng “S’yempre, proud. Dalawa na lang ang nagsasabi sa ‘kin nu’n, nanay ko at saka ikaw.”


Naitanong din ng mahusay na host kung kumusta siyang kapatid lalo na kay Melanie.


Sagot ni Joey, “Kapatid sa lahat, wala akong pinipili. Lahat, kasi sabi ko, ang sarap magkaroon ng kapatid, ‘di ba? Bakit gagawa ka ng kaaway?”


Sinundan pa ng tanong ni Boy, “Walang half-brother, half-sister?”

Sagot ni Joey na halatang naging seryoso sa naging sagot ay “Walang ganu’n, wala ‘yung half-hearted, eh. Kailangan it’s either mahal mo o hindi mo mahal, hindi nahahati. Ang paghahati lang kasi, binigyan mo ng division, eh. Sabi ko, everything will be successful as a whole.”


Kuwento pa ni Kuya Boy, “In one of your controversies, hindi ko malilimutan ‘yung when she was trying to defend you (referring to Melanie Marquez), ‘Do not judge my brother, because he’s not a book.’”


Kuwento rin ni Joey, “I’ve seen that. Nahulog ako sa kama. Sabi ko, ‘That’s my sister.’”

Tanong din ni Boy, “Kumusta ka bilang tito kina Michelle halimbawa?”


Sagot ni Joey, “Si Michelle kasi, last time na nakita ko s’ya, bata pa, eh. Ah, I think she was just 12 years old or 13 years old. But I realized din kasi nakita ko maganda s’ya. Sabi ko, ‘One day, magiging beauty queen ‘to.’”


Tanong ulit ni Boy, “Ano’ng klaseng tatay ka?”


Sagot ni Joey, “Tatay na dapat gawin ang responsibility without asking anything back. Kasi sabi ko nga, eh, I just want to remind some children here, sa mga sons and daughters, na ang tatay, ibibigay n’ya lahat kahit nahihirapan na s’ya but he will never ask anything back. Kahit nahihirapan s’ya, hindi kikibo ‘yan, kaya sabi ko, always love your parents. Especially your father.”


Dagdag na tanong ni Boy, “May responsibilidad ba ang anak na alagaan ang magulang?”


Sagot ni Joey, “Para sa akin, wala. Kasi bilang magulang, ako kasi, ‘di ko itinuring na investment ang mga anak ko, itinuturing ko s’yang responsibilidad. Na kailangan, gawin ko lahat para sa magandang future nila. Kung sumikat sila, yumaman sila, I promise myself kahit may sakit ako, kahit nasa kalye na ako, I will never burden them.


“May pride ako, eh. Oo, siguro mali. Pero sinasabi ko lang sa kanila, do best in life and be successful and that’s more than enough. ‘Yun lang ang kaligayahan ko.” 


Huwarang ama talaga si Joey Marquez, nakakabilib ang ginawa niyang pagpapalaki sa mga anak niya. ‘Yung mga ama na tumalikod sa responsibilidad sa kanilang anak, sure si yours truly na may karma ring darating sa kanila. 

Pak, ganern!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page