top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nanakawin lang ng mga ‘buwaya’ ang ayuda ngayong pandemya, pwe!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 21, 2021



MAS INUUNA NI SEC. DUQUE ANG KAYABANGAN KAYSA SA AKSIYON KAYA NAKAPASOK ANG DELTA VARIANT SA ‘PINAS—Matapos ibida ni Sec. Francisco Duque III ng Department of Health (DOH) na maagap ang response ng gobyerno kaya hindi ramdam sa Pilipinas ang pananalasa ng Delta variant ng COVID-19 sa ibang bansa, inanunsiyo ng DOH na nakapasok na ang mas nakahahawang Delta variant sa Pilipinas.


‘Yan ang hirap kay Sec. Duque, mas inuuna pa ang yabang kaysa sa aksiyon.


Kung inirekomenda lang agad ni Sec. Duque na mag-travel ban na sa mga bansang sinasalanta ng Delta variant, hindi sana nakapasok ang variant sa Pilipinas, kaya lang late na ang rekomendasyon niya, kaya heto’t nakapasok na sa ‘Pinas ang deadly variant, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


KAPAG NAGKA-LOCKDOWN ULIT, BAKA DIKWATIN NG MGA “BUWAYA” ANG AYUDANG LAAN SA MAHIHIRAP NA PINOY—Ngayong nakapasok na sa bansa ang Delta variant, ang sabi ni P-Duterte ay maoobliga raw siyang magpatupad ulit ng estriktong community quarantine.


Ipagdasal nating huwag makapanalasa nang husto ang Delta variant sa bansa upang hindi na ulit magpatupad ng total lockdown kasi tiyak na bukod sa takot sa Delta variant, gutom pa ang aabutin ng mahihirap na mamamayan kasi ang ayudang para sa kanila ay dinidikwat pa ng mga “buwaya” sa pamahalaan, period!


◘◘◘


“DUTERTE-DUTERTE 2022”, TANTANAN NA MUNA, DAPAT MAGPOKUS ANG MGA TRAPO SA DEADLY DELTA VARIANT—Ngayong nakapasok na ang Delta variant sa bansa, ang dapat gawin ngayon ng mga pulitiko, lalo na ang mga miyembro ng PDP-Laban ay tantanan na ang pamumulitika at tumuon kung paano ‘to mapipigilang makapinsala sa bansa.

Sa totoo lang, hindi kayang pigilan nang kasisigaw ng mga trapo nang “Run Sara Run” at “P-Duterte for VP” o “Duterte-Duterte 2022” ang panganib na dala ng deadly delta variant kapag nag-umpisa na itong manalasa sa Pilipinas, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page