top of page
Search
  • BULGAR

Nanakawan ng deposit box sa hotel

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 10, 2022


Dear Chief Acosta,


Nag-check-in kami sa hotel at nagpalagay kami sa front desk attendant ng mga valuables sa safety deposit box. Sa kasamaang-palad, mayroon diumanong nagnakaw ng mga ito at hindi nila malaman kung sino. Lingid sa aming kaalaman, sira na pala ang safety deposit box at hindi man lamang ito sinabi sa amin ng management ng hotel. May karapatan ba kaming singilin ang hotel para sa halaga ng aming mga nawawalang gamit? - Dina


Dear Dina,


Ang New Civil Code of the Philippines ang siyang batas na angkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa mga Artikulo 1962 at 1998-2001 ng nasabing batas:


“Art. 1962. A deposit is constituted from the moment a person receives a thing belonging to another, with the obligation of safely keeping it and of returning the same. If the safekeeping of the thing delivered is not the principal purpose of the contract, there is no deposit but some other contract.


xxx xxx xxx


Art. 1998. The deposit of effects made by the travellers in hotels or inns shall also be regarded as necessary. The keepers of hotels or inns shall be responsible for them as depositaries, provided that notice was given to them, or to their employees, of the effects brought by the guests and that, on the part of the latter, they take the precautions which said hotel-keepers or their substitutes advised relative to the care and vigilance of their effects.


Art. 1999. The hotel-keeper is liable for the vehicles, animals and articles which have been introduced or placed in the annexes of the hotel.


Art. 2000. The responsibility referred to in the two preceding articles shall include the loss of, or injury to the personal property of the guests caused by the servants or employees of the keepers of hotels or inns as well as strangers; but not that which may proceed from any force majeure. The fact that travellers are constrained to rely on the vigilance of the keeper of the hotels or inns shall be considered in determining the degree of care required of him.


Art. 2001. The act of a thief or robber, who has entered the hotel is not deemed force majeure, unless it is done with the use of arms or through an irresistible force.”


Alinsunod sa mga nabanggit, may obligasyon bilang depositary ang hotel sa mga gamit na inilagak o idineposit ng kliyente nito. Bilang depositary, obligasyon ng hotel na pangalagaan ang mga gamit na inilagak at ibalik ito sa kliyente. Mananagot ang hotel sa pagkawala o pagkasira ng mga gamit dahil sa mga empleyado, maliban na lang kung ito ay hindi ito maiiwasan o sanhi ng force majeure. Mananagot din ang hotel sa pagnakaw sa mga gamit maliban na lamang kung gumamit ng dahas o armas ang salarin.

Kaya naman, sa paglagay mo at ng iyong mga kasama ng inyong mga gamit sa safety deposit box ng hotel, mayroong nabuong kontrata ng deposit kung kaya mayroong obligasyon ang hotel na pangalagaan ang inyong mga gamit habang kayo ay wala at ibalik ang mga ito sa inyo kapag kinailangan na ninyo. Dahil hindi natupad ng hotel ang obligasyong ito, mananagot sila sa pagkawala ng inyong gamit. Hindi mawawala ang pananagutang ito ng hotel nang dahil lamang sa ninakaw umano ang inyong mga gamit dahil hindi naman gumamit ng dahas o armas ang salarin.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page