top of page

Nanahimik noon sa hiya kay Kathryn… BARBIE, NAGSALITA NA TUNGKOL SA KANILA NI DANIEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 13, 2022
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 13, 2022



Noong January, 2022 pa naging isyu ang pagbisita ng sexy actress na si Barbie Imperial sa bahay ng aktor na si Daniel Padilla. 'Yun 'yung panahong kabe-break lamang ng aktres sa BF niyang si Diego Loyzaga.


Bagama't may malisya kung tutuusin ang pagbisita raw ni Barbie sa bahay ng aktor, katwiran ni Barbie, ang nanay daw ni Daniel na si Karla Estrada ang dinalaw niya nu'ng panahong 'yun.


Kaya't sa kanyang vlog, nilinaw ni Barbie na hindi si Daniel ang dahilan kung bakit siya bumisita noon sa bahay ni Karla.


Paliwanag niya, “Pumunta ako ng bahay ni Tita Karla [Estrada] kasi first, kaibigan ko si Tita Karla, and si Magui [kapatid ni Daniel], kaibigan ko rin. And nu'ng pumunta ako roon, kaka-break lang namin actually ni Diego nu'n. And ang mga kaibigan ko talaga na pinupuntahan, si Ate Ara [Mina], si Tita Karla. So, pumunta ako kay Tita Karla kasi wala si Mama rito.


“Ayaw ko kasi na kaka-break ko lang, emotional ako, pupunta ako ng gimikan, iinom. Hindi ganu'n. Parang lalapit ako sa parang mom talaga mag-advice. And para fair ‘yung advice, kasi si Tita Karla, parang anak-anakan niya rin si Diego,” aniya pa.


Sinabi pa ni Barbie na hindi sila nagkatagpo ni Daniel nu'ng bisitahin niya si Karla dahil wala roon ang aktor.


“Wala si Daniel doon. Ang nandoon lang, si Tita Karla, family niya, si Magui. 'Andoon din ‘yung Beks Batallion. So for me, 'Talaga ba?' Kung may gagawin akong masama, 'andoon ‘yung Beks Battalion? Nasa vlog pa ako, ang bobo ko naman [kung ganu'n].”


Nilinaw din ni Barbie sa kanyang vlog ang kumalat na si Daniel umano ang nag-“comfort” sa kanya noong panahong nagmu-move on siya sa hiwalayan nila ni Diego.


“Saan galing ‘to? Not true. Hindi. Wala akong ma-explain kasi ngayon ko lang nalaman ‘yung about this tsismis. Pero hindi, hindi totoo,” paglilinaw pa niya.


May dahilan din ang sexy actress kung bakit ngayon lamang siya nagpaliwanag sa naging tsismis sa kanila ni Daniel noon?


“Ngayon ko lang 'ata [sinagot] ‘to kasi nanahimik talaga ako, eh. Kasi nu'ng time na ‘yun, ‘yung nangyari ‘yung tsismis na ‘yun, siyempre, nahihiya ako unang-una kay Kath (Kathryn Bernardo, GF ni Daniel). Kasi ano'ng iisipin niya, ganito, ganyan,” paliwanag ni Barbie.


Sa bandang huli, sinabi ni Barbie na inirerespeto niya ang relasyon nina Kathryn at Daniel, na ngayon ay mahigit isang dekada nang magkasintahan. Sa ibang salita, never niyang magagawa na "ahasin" si Daniel kay Kath.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page