top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Namumudmod ng datung sa mga taga-showbiz…ROBIN, BAGONG FPJ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2022
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 18, 2022




Nagmistulang Santa Claus si Sen. Robin Padilla nang mamigay ng ayuda (cash incentives) sa maliliit na manggagawa sa TV and movie industry sa tulong ng DSWD.


Ang nasabing gift-giving ay ginanap sa QC Hall flagpole area. Nandu'n ang kapatid ni Sen. Robin na si Rommel Padilla, tatay ni Daniel Padilla at ang veteran broadcaster na si Rey Langit, si Val Iglesias at ang mga staff ni Sen. Robin na nag-ayos ng pagbibigay ng ayuda.


Mahigit 600 katao ang dumalo na mula sa iba't ibang guilds ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon tulad ng mga stuntmen, extras, utilities, production designers, cameramen, atbp..


Kasama rin sa mga tumanggap ng ayuda ang iba't ibang grupo ng entertainment writers at freelance press.


Tuwang-tuwa ang maliliit na manggagawa sa showbiz sa pamaskong handog ni Sen. Robinhood Padilla at ng DSWD. Talagang tinupad nga ni Sen. Padilla ang kanyang pangako sa mga kasamahan sa movie industry na tutulungan ang mga movie workers na nawalan ng pagkakakitaan simula nang magkaroon ng COVID pandemic at humina ang movie industry.


Sila ang unang naalala ni Sen. Robin nang siya ay mahalal na senador.


Naalala tuloy namin ang yumaong King of Phil. Movies na si Fernando Poe, Jr. na malapit ang puso sa mga maliliit na manggagawa sa showbiz. Ngayon ay si Sen. Robinhood Padilla na ang tumutulong at nagbibigay ng ayuda.


Ganunpaman, binigyan din ng kredito ni Sen. Padilla sina Sen. Bong Revilla, Jr., Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Raffy Tulfo (DSWD) na sumuporta rin para sa kapakanan ng mga small movie workers.


Sila ang sama-samang tumulong upang ang mga taga-industriya ay mapansin at mabigyan ng prayoridad sa ayuda.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page