Nami-miss na raw idispley ang mga designer clothes… HEART, BALIK SA PAGRAMPA SA PARIS AT NEW YORK
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 20, 2026

Photo: Eat Bulaga
Magbabalik si Heart Evangelista sa pagrampa sa Paris at New York.
Magtatapos na sa ere ang programang Heart World (HW), kaya maaasikaso na niyang muli ang paglahok sa fashion events sa Paris at New York.
Excited na rin si Heart na muling makatrabaho ang mga sikat na fashion designers. Maraming fashion photographers ang nakaka-miss sa kanya sa pagrampa roon.
Ayon sa ilan, iba pa rin ang impact ni Heart sa fashion events kapag kasama siya ng mga modelo. Si Heart ay isa sa mga “photographers’ favorite”.
Na-miss din ni Heart ang mga fashion events na kanyang dinadaluhan. Ibang-iba raw ang mundo niya kapag rumarampa at suot ang mga designer clothes.
Dahil sa kanyang exposure sa fashion world, nakukuha rin siya bilang endorser ng top
designer creations, kung saan malaki rin ang kanyang kinikita.
Kaya naman, may ilang artista at beauty queens ang dumadalo na rin sa mga fashion events sa Paris at New York sa kagustuhang makuha rin bilang modelo.
Barbie, pang-camera lang…
DAVID, AYAW ISAPUBLIKO ANG NON-SHOWBIZ GF
TODO-REACT ang ilang netizens na sumusubaybay sa tambalang BarDa (Barbie Forteza at David Licauco).
May isang event kasi na inisnab umano ng aktres si David. Nagdedmahan daw ang dating magka-love team. Ang dahilan, baka raw dahil nalaman ni Barbie na may non-showbiz GF na si David.
Well, wala namang dapat ipagselos si Barbie dahil ‘di naman sila magkarelasyon ni David, screen love team lamang sila.
Kaya, hindi nakapagtataka kung ‘unbothered’ man si Barbie kapag may ibang babaeng kasama si David sa mga events.
Sana, maintindihan ng mga BarDa fans na hindi dapat ipilit sa mga artista ang gusto ng publiko, lalo na’t nais ni David Licauco na maging private ang kanyang love life.
Ayon sa kanya, ayaw niyang nakalantad sa publiko ang kanyang pribadong buhay, at humihingi siya ng pang-unawa mula sa mga fans.
Mananatili silang good friends ni Barbie Forteza at patuloy na magtutulungan sa kanilang career.
PERFECT choice si Atasha Muhlach para gumanap bilang lead sa musical play na Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical (BKDTAM).
Malaking challenge ito para kay Atasha dahil kailangan niyang mag-aral sumayaw.
Magaling sumayaw ang kanyang mom na si Charlene Gonzales kaya tiyak na matutulungan siya nito. Gagabayan din siya ng kanyang dad na si Aga Muhlach sa pag-arte.
Tiyak na aabangan ng mga Noranians kung karapat-dapat si Atasha na mapili bilang Annie Batungbakal.
Nasa pangangalaga siya ng Viva Artist Management at todo ang suporta nito sa kanyang career.
Hindi lamang sa seryosong akting hahasain si Atasha, kundi pati sa stage plays. Tiyak na malayo pa ang mararating ng kanyang showbiz career.
LABING-ANIM na taon na sa ere ang sitcom na Pepito Manaloto (PM), kaya ipinagmamalaki ni Michael V. na ang tambalan nila ni Manilyn Reynes ang isa sa pinakamatagal sa telebisyon.
Patuloy na tinatangkilik ng mga viewers ang kanilang pagganap bilang mag-asawang Elsa at Pepito na isang ulirang pamilya.
Hindi nakakasawang panoorin ang bawat episode tuwing Sabado nang gabi sa GMA-7. Marami ang nakaka-relate sa bawat kuwento dahil hango ito sa totoong buhay.
Isa pa, maging ang mga karakter nina Baby (Mosang), Robert (Arthur Solinap) at Berta (Jen Rosendahl) ay nagbibigay din ng kasiyahan sa mga manonood. Kaya nagpapasalamat ang buong cast ng PM sa patuloy na mataas na ratings ng sitcom.





Comments